Resbak ni Kris sa bashers: Nanay ako na binabalahura ang mga anak, OA na sa pagka-malicious... | Bandera

Resbak ni Kris sa bashers: Nanay ako na binabalahura ang mga anak, OA na sa pagka-malicious…

Ervin Santiago | March 21,2021 - 05:52 PM

MATAPANG na niresbakan ni Kris Aquino ang mga malilisyoso at bastos na bashers na walang awang nambu-bully sa mga anak niyang sina Joshua and Bimby.

Sa pamamagitan ng bago niyang video sa Facebook, binanatan ni Kris ang lahat ng mga nagpapakalat ng fake news tungkol sa mga anak tulad ng naipangako niya sa madlang pipol.

Ang tinutukoy ng TV host-actress ay ang pagtawag ng ilang netizens kay Bimby ng bading habang may nagpakalat naman ng tsismis na nakabuntis umano si Joshua kaya malapit na itong magpakasal sa Tarlac.

“Nanay ako na binabalahura na ang mga anak. Sinubukan ko to shut up para ‘wag na ‘tong humaba but shutting up caused me even more stress,” simulang pahayag ni Kris.

Pagpapatuloy pa niya, “In just one week, OA sa pagka-malicious ang pag-target sa panganay at sa bunso ko. Inisip siguro kung mag-imbento tungkol sa panganay at tawaging bakla yung bunso, titiklop na yung nanay.”

At tungkol naman sa chika na nakabuntis si Josh, maliwanag na kasinungalingan lamang ito at masayang-masaya pa ring naninirahan sa Tarlac ang panganay na anak.

Mariin din niyang dinenay na pinapunta niya si Joshua sa Tarlac bilang paghahanda sa pagtakbo niya roon sa darating na eleksyon.

Ito naman ang pahayag ni Kris tungkol sa pagkuwestiyon sa gender ni Bimby, “Bullying a 13-year-old dahil sa tingin nila bakla siya. Utang na loob naman. This is 2021. We are living in 2021.

“Nakakahiya mang aminin pero siya ang gumagawa ng lahat ng paraan para lang gumaan yung mga problema ko at para mapaligaya niya ako,” aniya pa.

Diin pa ni Tetay, “Hindi nila fault that they cannot count on their fathers. Hindi nila choice na ang nanay nila, ang apelyido ay Aquino, hindi nila kasalanan that the lies about my family will continue until history gets completely re-written.”

Bago ito, nag-explain ang Queen of All Media kung bakit hindi natuloy ang pagpapalabas ng kanyang video kung saan isa-isa nga niyang sinagot ang lahat ng ibinabatong kanegahan sa kanya pati na sa mga anak niyang sina Joshua at Bimby.

Ipinost niya ito sa Instagram, “We all tried to make the deadline… you should get the best of me, and I have earned the right to take my time until I’m sure I am giving you what you have come to expect of me.”

Siniguro ni Kris na may mga pangalang madadamay sa pasabog niyang video,  “1. Names will be named. 2. All issues I’m aware of will be addressed and the questions I had evaded shall be answered.

“3. My true feelings will all be revealed. 4. I did not spare myself, because I refuse to be a coward. 5. But we have to wait… I had meticulous editing instructions because I wanted my message viewed and heard clearly, with no room for misinterpretation,” babala  ng TV host-actress.

Inamin din niya na ginawa niya ang video message kahit na hindi maayos ang kanyang kundisyon, “Judgment call ko because I felt the longer I delayed saying what needed to be said, the more unhealthy I’d become,” aniya pa.