HINDI na napigilan ni Claudine Barretto ang kanyang galit sa kanyang estranged husband na si Raymart Santiago.
Isinapubliko na talaga ng aktres ang panawagan niya kay Raymart tungkol sa “pagsuporta” sa kanilang mga anak na tila nakakalimutan na raw ng aktor.
Sa kanyang Instagram account, nag-post ng quote card si Claudine patungkol sa mga tatay na nakakalimot nang gampanan ang kanilang mga responsibilidad sa mga anak.
“Real dads support their children without the law telling them they have to,” mensahe ng aktres.
Sa caption, diretsahang sabi ni Claudine, “This is for you raymartsantiago fight fair for once in your life!!!”
Habang sinusulat namin ang balitang ito, wala pang sagot si Raymart sa mga pahayag ng nakahiwalay na asawa.
Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ng aktor.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Claudine laban kay Raymart, sa katunayan nagsampa pa siya ng pormal na reklamo noong November, 2020, kung saan inakusahan niya ang dating mister na hindi na umano nagbibigay ng financial support sa mga anak nilang sina Sabina at Santino.
“Hindi ho ako ang nagsabi na magbigay siya ng P100,000 kundi po iyong judge namin.
“Kasi, tinitingnan nila iyong background ng mga bata, di ba? He’s supposed to give P100,000 a month which is you know very ano naman, tama lang. Kasi, magkano ba siya, per taping? Eighty thousand?
“So, ano ba iyong mabigay mo iyong dalawang taping mo sa dalawang mga anak mo,” sabi ni Claudine sa isang panayam.
Nauna rito, napabalitang nagkakamabutihan na sina Raymart at Jodi Sta. Maria base sa mga litratong kumalat sa social media. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila umaamin.
Nakapagsalita rin ng hindi maganda si Claudine laban kina Jodi at Raymart sa isang panayam kung saan diretsahan niyang sinabi na bad influence umano ang aktres sa tatay ng mga anak niya.
Kasunod nito, sa Instagram page naman ni Jodi may makahulugan siyang post na pinaniniwalaang para raw kay Claudine, “We only have so much time and energy. Are you focusing on the majors of life? Focusing on the things that matter is a good way to fight against the unnecessary noise and distraction.
“Tomorrow is never guaranteed. Make life worth living. Choose your battles. Laugh always. Love hard. Show compassion and appreciation. Be grateful. Travel to feed your soul. Pray often…What are your majors?”