INAMIN ng Kapamilya young actor-singer na si Kyle Echarri na may mga kinaharap din siyang mga challenges sa buhay last year.
Nang dahil sa lockdown dulot ng COVID-19 pandemic, maraming natutunan ang binatilyo tungkol sa halaga ng buhay at pagpapahalaga sa kapwa.
“Itong pandemic masasabi ko na it didn’t just prepare me for this role, it prepared me for the future as a person.
“Kasi I got time to finally (focus) on things…about myself more than the people around me and think of my mental health, my physical health. I’m also turning 18 so I feel like it’s the coming of age so I’m getting to that point,” ani Kyle sa panayam ng press sa nakaraang virtual mediacon ng bago niyang serye sa ABS-CBN, ang “Huwag Kang Mangamba.”
Dagdag pa niyang kuwento, “At least yung pandemic nakatulong sa akin in a way na before this, before the pandemic masasabi ko talaga na my mental health was not the best.
“Like when it comes to happiness, it wasn’t where I wanted it to be. And masasabi ko na nakatulong talaga itong pandemic na ito in order to prepare me for future projects and kung ano pang mararating sa akin,” sey pa ng ka-loveteam ni Francine Diaz.
Samantala, ibang-iba naman daw ang role na gagampanan ni Kyle sa “Huwag Kang Mangamba” kung ikukumpara sa “Kadenang Ginto.”
“Yung character ko masasabi ko medyo nagbago yung character ko ng kaunti. I’m not the super good boy anymore.
“Sa Kadenang Ginto si Kristoff kasi kahit ang sama na ng ginagawa sa kanya ang bait niya pa rin sa tao. Pero dito si Rafa may pinagdaanan siya kasi kaya may ibang character kayong makikita dito.
“Apo ako ni tito Nonie (Buencamino) and si kuya RK (Bagatsing) ang kapatid ko. Yung character ko he’s part of a political family pero ayaw niya talaga sa politics and malalaman niyo kung bakit niya ayaw sa politics sa teleserye. May malalim na hugot yun, eh,” lahad ng teen star.
Excited na rin siya na mapanood ng fans ang serye nila ni Francine kasama ang kanilang ka-The Gold Squad na sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin. Aniya, siguradong magugulat din ang viewers sa mga eksena nina Andrea at Francine sa programa.
“I’m excited for them kasi maipapakita nila yung versatility nila bilang actress. Alam naman natin na napakagaling nilang dalawa.
“They’re very good artists and I’m happy that siyempre as a co-star and as a friend, na maipakita nila yung other side, kung ano pa yung mga kaya pa nila,” paniniguro ni Kyle.
Patuloy pang chika ni Kyle, “Kabado kasi ang laki ng tiwala ng buong Dreamscape sa aming apat. But it’s also such a big blessing and it’s something na alam kong kaya naming apat na gawin.
“I’m very thankful sa Dreamscape, sa ABS-CBN, at siyempre sa Diyos. God put us in this position and I’m very excited for the future and sa lahat ng binibigay sa amin ng Dreamscape.
“I’ve been in the industry for a while now and may mga times na iniisip ko bakit hindi pa ako tumigil? May mga times na hindi ako naniniwala sa sarili ko.
“But they believe in me more than I believe in myself and that makes me believe in myself even more. Hindi ko ma-explain yung feeling but I’m very blessed and very excited for the future and very, very thankful,” mahabang sabi pa ng singer-actor.
Bukod sa “Huwag Kang Mangamba” may isa pang project na dapat abangan ang fans ng Gold Squad, “May ginawa kaming apat, makikita niyo kami very, very soon, may ginawa kami as individual artists hindi na as love team.
“Pero Gold Squad pa rin, and makakasama namin yung ibang kasama namin sa Squad Plus,” sey pa ni Kyle.