DPWH magsasagawa ng weekend road reblocking

 

Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa ilang kalsada sa Quezon City.

Apektado nito ang E. Rodriguez Jr. Avenue bago ang Green Meadows Avenue (2nd lane mula sa center island, Northbound).

Sisimulan ang pagsasaayos bandang 11:00, Biyernes ng gabi (March 19).

Maaari nang daanan ang naturang kalsada bandang 5:00, Lunes ng madaling-araw (March 22).

Inabisuhan naman ang mga motorista na iwasan muna ang nasabing kalsada at dumaan sa alternatibong ruta.

Read more...