Lasing na 63-anyos na teacher nanampal, sinunog ng buhay

Malagim na kamatayan ang naging kapalit ng sinasabing pangtri-trip ng isang lasing na guro sa Sto. Domingo, Nueva Ecija, noong Huwebes.

Sinunog ng buhay ang 63-anyos na si Rolando dela Cruz, resident ng Barangay San Alejandro sa bayan ng Quezon.

Naaresto naman ng mga rumespondeng pulis ang 20-anyos na suspek na si Joebert Gamrot.

Base sa inisyal na impormasyon, nasa impluwensiya ng alak ang biktima nang lapitan nito ang suspek na abala sa kanyang cellphone at paulit-ulit na pinalo sa ulo sa hindi pa malinaw na kadahilanan.

Nagalit si Gamrot kayat hinataw nito ng napulot na kahoy si dela Cruz, na nawalan ng malay bago niya ito sinunog.

Pinaniniwalaan na buhay pa ang biktima nang sunugin ito ng suspek.

Read more...