Beauty queen tuloy sa pagtulong kahit may pandemya

Kasama ni reigning Mrs. Asia Pacific Global Avon Morales (kanan) si MMG Queen of Hearts Foundation founder and CEO Mitzie Go-Gil (nakaupo rin), at mga kapwa niya reynang sina Mrs. Philippines Asia Pacific Tourism Rosenda Casaje (kaliwa) at Mrs. Philippines Asia Pacific Cosmopolitan Mary Chris Abacahin (pangalawa mula kanan)./FACEBOOK PHOTO

 

Taun-taon mula 2010, nagsasagawa ng charity event si 2019 Mrs. Asia Pacific Global Avon Morales upang ipagdiwang ang kaarawan niya. At sa kabila ng umiiral na pandemyang bunga ng Covid-19, tuloy pa rin ang nakaugalian ng reyna.

Sa pagbubukas ng Marso, dinalaw ni Morales ang Kids with Purpose International Orphanage sa Muntinlupa City para sa isang donation drive. Naisagawa ang charity mission sa pamamagitan ng MMG Queen of Hearts Foundation, ang lokal na organisasyong nagpadala kay Morales sa Mrs. Asia Pacific pageant sa Singapore noong 2019 kung saan niya nasungkit ang pinakamahalagang korona.

“Mother Queen Mitzie Go-Gil, thank you for organizing my birthday missions. I was so hands-on in organizing them, but because of my busy work schedule, it left me so little time to do it,” ani Morales sa founder at CEO ng foundation, na isang ring international beauty queen at nanalo bilang Mrs. Asia Pacific Tourism noong 2018.

Tumulong din ang iba pang mga reyna ng foundation—sina 2019 Mrs. Worldwide second runner-up Llena Tan, 2019 Mrs. Philippines Asia Pacific Cosmopolitan Mary Chris Abacahin, 2021 Mrs. Southeast Asia Worldwide Sarima Paglas, 2021 Mrs. Philippines Worldwide Joanna Krisanta La Madrid, at 2021 Mrs. Philippines Asia Pacific Tourism Rosenda Casaje.

Nakiisa rin ang kinatawan ng Agusan para sa 2021 Mrs. Queen of Hearts Philippines pageant sa charity event, kung saan namahagi ang foundation ng mga care package sa mahigit 20 bata sa pangangalaga ng orphanage, maging sa foster parents nila.

Ipinakita ng mga bata sa pangangalaga ng Kids with Purpose International Orphanage ang pagmamahal sa mga reynang dumalaw sa kanila./FACEBOOK PHOTO

Sinabi ni Morales na dahil sa pagwawagi ng ina niya laban sa “Big C,” higit siyang nagsisikap na magsagawa ng mga birthday mission. “It has made me live a life of stewardship and purpose. It strengthened my passion to help others and to make a difference in the community, to give back to God,” sinabi niya sa Inquirer sa isang online interview.

Nakaugalian na ng reyna na magsagawa ng birthday charity event sa isang pamayanang Aeta sa Claveria, Cagayan. Ngunit naging malabo na ito dahil sa quarantine, kaya hiningi ni Morales ang payo ni Go-Gil.

Iminungkahi ni Go-Gil ang Kids With Purpose International.

“I looked it up, and found that the organization’s purpose is aligned with my ‘personal whys,’ which is to help the children and youth discover their purpose and become future empowered leaders and difference makers for their generation,” ani Morales.

Ito na ang ikalawang birthday mission ni Morales bilang reigning queen, sapagkat pinalawig pa ang termino niya dahil sa pandemya.

“Maybe God is telling me to continue inspiring and enabling a lot of people to learn from my experience and missions, and to be more driven to do more for the community,” aniya.

Nakatakdang magsalin ng korona si Morales sa Mayo, at umaasa siyang maipapasa ang titulo sa isang reynang “focuses on something great beyond just wearing the crown and sash. I want her to be the voice and force who can do great things.”

Read more...