Paolo umaming may herniated disc: Pero konti pa lang, lahi namin
KAPANSIN-PANSIN ang hindi magandang posture ni Paolo Ballesteros kapag napapanood siya sa Kapuso noontime show sa “Eat Bulaga”.
Sa katunayan, maraming netizens at manonood ang nagtatanong kung bakit parang may problema sa kanyang likod ang TV host-comedian.
Isang netizen ang nagtanong kay Paolo kung meron siyang back problem dahil nakita nga niya ang tila hindi hindi pantay na postura nito kapag nanonood ng “Eat Bulaga.”
Comment ng netizen, “Hi, Pao! I always watch ‘Eat Bulaga.’ Stress reliever ko kayong lahat.
“Medyo bothered ako sa’yo, Pao. Napansin ko kasi ‘yung likod mo. May scoliosis ka ba? Seryoso ha. ‘Wag ka sana magalit. Nag-aalala kasi ako sa posture mo,” sabi pa nito.
Reply naman sa kanya ni Pao, “Ay meron po, herniated disc. Pero onti pa lang hehe. Lahi namin, e. Sister at brother ko meron bakal sa leeg at lumbar.”
Marami naman ang nag-alala sa kundisyon ng TV host kaya nagbigay sila ng ilang payo para hindi na lumala pa ang kanyang herniated disc.
Komento naman ng isa pang netizen, “Get well soon po. Bawal po dyan ang matagal na pagtayo. May ganyan ako nakawork dati. Nagle-letter ‘S’ ang kanyang spinal. We will pray for you po.”
“Konting ingat lang idol! Hindi dapat binabalewala ang ganyang kundisyon baka lumala. You have to monitor your back para hindi na siya lumala,” paalala pa ng isang fan.
“Pagaling ka po. Isa ka po sa nagpapasaya sa aming mga dabarkads,” sabi naman ng isa pang netizen.
Kung matatandaan, unang ipinaalam ni Paolo ang kondisyon ng kanyang spine noong 2018 ngunit wala naman daw dapat ipag-alala ang kanyang mga supporters.
Ipinakita pa ng “Eat Bulaga” Dabarkads ang resulta ng kanyang Magnetic Resonance Imaging (MRI) scan kung saan makikita ang slipped disc sa lower spine niya.
Sa isang health website, ang herniated disc o slipped disc ay, “problem with one of the rubbery cushions (disc) that sit between the individual bones (vertebrae) that stack to your spine.”
Magagamot ito sa pamamagitan ng ilang “strengthening exercise” o “physical therapy for minor cases.” Pero kung malala na, kailangan na itong operahan.