Globe loading business: Kaagapay ng kababaihan sa gitna ng pandemya | Bandera

Globe loading business: Kaagapay ng kababaihan sa gitna ng pandemya

INQUIRER.net BrandRoom | March 19,2021 - 12:06 PM

MANILA, Philippines – Anim na taon na ang nakararaan ng magbukas ng isang sari-sari store si Marites Yanzon sa tulong ng perang hiniram niya mula sa isang kamag-anak, para madagdagan ang kita ng kanyang pamilya at matustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Subalit patuloy siyang nahihirapan dahil sa mga sakit na dumapo sa pamilya na umubos sa kanyang ipon.

Hindi inaasahan ni Marites na siya, gaya ng iba pang mga nagnenegosyo, maliit man o malaki, ay gaganap pala ng isang mahalagang papel sa pagbuhay muli ng ekonomiya sa gitna ng pandemya.

Laking pasasalamat ni Marites nang makita niyang umuunlad ang kanyang sari-sari store sa kabila ng pandemya dahilan sa kanyang prepaid loading business na tumutulong sa mga tao na manatiling konektado sa kanilang mga mahal sa buhay at sa buong mundo kahit nasa loob lamang ng bahay. Ito ay sa pamamagitan ng serbisyong tawag at internet na ibinibigay ng mga telecom company tulad ng Globe.

Si Marites ay kumikita ngayon ng hanggang doble mula sa paglo-load kumpara sa noong nagsisimula pa lamang siyang magtinda. “Malaking tulong po ang loading business. Halos mas mabenta nga po ang load kaysa sa ibang paninda ko. Mas lalong lumakas ang benta ng load ngayon online class na ang mga estudyante kasi iyong mga walang WiFi, sa load sila umaasa,” sabi niya.

Habang ipinagdiriwang ng bansa ang Women’s Month, patuloy na binibigyan ng Globe ng kapangyarihan ang mga kababaihan na may mga maliliit na negosyo na magkaroon ng kontribusyon sa pagbuhay ng ekonomiya.

“Ang mga retailers ay isang napakahalagang bahagi ng aming value chain dahil tinutulungan nila kaming maabot at mapaglingkuran ang mga komunidad. Ngayong Buwan ng Kababaihan, nais naming pasalamatan ang mga maliliit na negosyante, lalo na ang mga kababaihan na nagpapatuloy sa pagpapatakbo ng mga tindahan ng komunidad at tumutulong na makabawi ang ating ekonomiya,” sabi ni Bernie Llamzon, Globe Executive Vice President for Channel Management.

Ang negosyong paglo-load ng Globe ay nakatulong din sa mga nagtitinda na napinsala ng mga nakaraang bagyo. Noong Enero lamang, ang Globe, sa pamamagitan ng kanyang Community Development Program, ay nagbigay ng retailer package sa 280 na mga nagtitinda sa mga lalawigan na sinalanta ng Bagyong Rolly at Ulysses para makatulong sa kanilang kabuhayan.  Ang isang retailer package ay naglalaman ng LTE phone, SIM starter kit, at P1,000 prepaid load. Halos 80 porsyento ng mga nakatanggap nito ay mga kababaihan.

Sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals (UN SDG), partikular ang SDG No. 8 na naghahangad ng disenteng trabaho at paglago ng ekonomiya pati na rin ang SDG No. 9 na binibigyang diin ang kahalagahan ng imprastraktura at pagbabago sa paglago at pag-unlad ng ekonomiya.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Globe, bisitahin ang www.globe.com.ph.