Veteran actress at ina ni Tessie Tomas na si Laura Hermosa pumanaw na

PUMANAW na ang veteran actress at ina ni Tessie Tomas na si Laura Hermosa dahil sa renal failure. Siya ay 92 years old.

Sumakabilang-buhay ang aktres na kilala rin bilang isang legendary radio voice talent sa kanyang tahanan sa Makati City kahapon ilang linggo matapos siyang gumaling at maka-recover sa COVID-19.

“She died peacefully in her sleep at 7:45 a.m.,” ang pahayag ng kanyang anak na si Tessie Tomas sa panayam ng ABS-CBN.

“She was an excellent mother to all of us, five boys and one girl, ako. At age 10, around 1960, she made me her protégée, teaching me voice acting, kaya alam ko ang tawang mayaman, tawang mahirap at tawang hostess,” pagbabalik-tanaw pa ng veteran actress.

Tatlong araw isasagawa ang burol para sa labi ng namayapang aktres sa Arlington Memorial Chapels sa  Quezon City simula ngayong araw.

Nakatakda naman ang libing sa darating na Sabado sa Loyola Memorial Park sa Marikina.

Umuwi pansamantala sa Pilipinas si Tessie mula sa United Kingdom noong nakaraang buwan para dalawin ang ina matapos nga itong taaman ng COVID-19. Ipinakita pa niya sa kanyang vlog ang pagbisita niya sa condominium nito.

“I’m both happy and sad in a way. Happy dahil, finally, nakita ko na finally ang nanay ko at nakaligtas sa COVID, hindi ike-cremate, fighting for her life, practically.

“Hindi po siya nakakapagsalita, this makes me very sad. Kasi nu’ng umalis ako, pumipikit lang siya pero kahit papaano, nakakapagsalita pa.

“Pero ngayon parang blank look din siya. Pero after awhile, nagigising siya na mas malaki ang mata niya ‘tapos nagiging teary-eyed siya. Kapag kinakausap ko siya, sasabihin ko, ‘Aalis na tayo, pupunta na tayo uli sa hotel, ipapasyal kita,'” bahagi ng pahayag ng aktres sa kanyang vlog.

“Another thing that I learned in this experience is everything is impermanent—your youth, your beauty, your strength one day will all fade away.

“So, siguro para sa ating lahat, habang nandito tayo, habang malakas tayo, habang meron tayong kagandahan, appreciate natin ang ating sarili, self-love.

“Let us not be tough on ourselves. Let us be gentle with ourselves and just be grateful for everything that God has given to us because it will not last forever. One day, we’ll have to take that journey into God’s kingdom,” mahabang mensahe pa ng beteranang aktres at komedyana.

Unang nagmarka si Laura Hermosa bilang radio noong mid-1950s sa pamamagitan ng programang “Krisalis”. Nakilala rin siya bilang aktres sa telebisyon at pelikula.

Napanood siya sa mga classic films na “Broken Marriage” at “Nagbabagang Luha”.

Read more...