Rabiya Mateo may isa pang hiling bukod sa maiuwi sa Pinas ang Miss Universe crown…

MARAMING fans at netizens ang nangakong magdarasal para matupad na ang isa sa matagal nang pangarap ni 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

Yan ay ang makita na sana ang kanyang ama na matagal na niyang hinahanap. Hindi na niya ito nasilayan mula pa noong bata siya at tanging ang ina lamang niya ang nagpalaki at nag-aruga sa kanya.

Kaya naman bukod sa pagsungkit sa titulo at korona sa nalalapit na pagrampa sa Miss Universe 2020, ipinagdarasal ni Rabiya na matagpuan na niya this time ang ama na nasa Amerika.

“This is my first time I’m gonna be outside of the country. Yes I’m so excited. It’s been my dream to go to US because I really want to see my father,” ang pahayag ng beauty queen sa panayam ng ABS-CBN.

Ang huling balita ng dalaga ay nasa US pa rin ang tatay niya at nagtatrabaho roon bilang isang doktor.

“I’m not closing the book. I feel there’s still hope. And maybe when I’m there I might find him because I have his name, I know his name and his birthday.

“So maybe I can have a track of where he is if he’s alive or not. Something like that, can I do that kaya. I just want to know if he’s alive or not I’m not even sure if he has an idea that I won Miss Universe-Philippines,” pahayag ng Pinay beauty queen.

Kung matatandaan, sinabi ni Rabiya sa isang panayam na na-inspire siya sa kuwento ni former Miss Universe-Philippines Gazini Ganados na binigyan nga ng chance na matagpuan ang ama noong kanyang reign.

“Sabi ko, I am 23 and I am not getting any younger, gusto ko sana malaman kung nasaan ba ‘yung daddy ko, if okay lang ba siya. Kasi kung hindi, kung kailangan niya ng anak, pupuntahan ko siya at aalagaan ko siya.

“Siya po ‘yung nagpangalan sa aking Rabiya which means queen or princess. Ino-offer ko rin po ito sa kanya kahit hindi ko siya kasama, ‘yung fact kasi na someday sa lahat ng achievements ko, sa pag-aaral ko, sa ginagawa ko ngayon, malalaman niya.

“Mare-realize niya na kahit wala siya, napalaki ako ng maayos ni mama kahit mag-isa lang mama ko,” emosyonal pang pahayag ng dalaga.

Ikinalulungkot naman ni Rabiya na hindi makakasama ang kanyang nanay sa pagpunta niya sa US para makipaglaban sa Miss Universe dahil nga sa patuloy pa ring banta ng pandemya.

“She is in Iloilo right now I told her I cannot take her to the USA because she is old and I want her to be safe, so she might be supporting me virtually,” sabi ni Rabiya.

Read more...