Pooh ikinumpara sa ‘poqui-poqui’ si Rayver: Naka-boxers lang kasi kami lahat tapos pagyakap niya sa akin…

“PARA pag nag-umpisa ang araw mo, si Marco Gumabao kaagad (ang agahan mo),” ang sagot ng komedyanteng si Pooh sa “Food-Artista Game” episode ng kanyang vlog sa Pooh The Comedian YouTube channel.

Kakaiba ang konsepto ni Pooh dahil imbes na siya ang magtanong sa guest niya ay siya ang ginisa ni Enchong Dee sa food-artista game nila.

May ibinigay na listahan ng 10 ulam si Enchong kay Pooh na ikokonek naman niya sa mga artistang babanggitin ng una.

“Actually vlog ko po ito, kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin kaya sila (Enchong at Team) ang nag-isip (game),” bungad ni Pooh.

Ikinumpara niya si Marco sa ulam na tuyo na may kasamang kamatis at itlog.

“Si Marco ay nakasama ko sa Ningning (serye) kapartner si Maris (Racal). Si Marco ay isang tuyo. Ang tuyo masarap kaagapay sa breakfast, ‘yung pagkagising mo ‘yun na ‘yung kakainin agad!” sabi ng komedyante.

Natawa naman nang husto si Enchong sabay tanong kay Pooh, “So ‘yun si Marco para sa ‘yo? Gusto mong kainin sa umaga?”

“Oo, sa almusal para pag nag-umpisa ang araw mo, si Marco Gumabao kaagad!” nakangiting sabi ng komedyante.

Balik-tanong ni Enchong, “Tuyo lang, may kanin? Walang kasamang itlog?”

“Siyempre kasama itlog niya,” mabilis na sabi ni Pooh. Sabay bawi, “Hindi ‘yung itlog, di ba ‘yung tuyo may itlog?”

“Ayusin mo. Ha-hahaha!” tumawang paalala ni Enchong. “Ano tawag mo, tapsilog? Di ba tapa, sinangag, itlog? Ano ‘yun tosilog?”

“Tuysilog,” sambit ni Pooh.

Ano namang pagkain si Long Mejia, “Chico kasi maaligasgas! Kasi pag kinain mo sandy pero masarap. Ibig sabihin magaling si Long pero maaligasgas mabuhangin, ganu’n,” sagot ni Pooh.

At ang ultimate crush ni Pooh na si Carlo Aquino ay inihambing niya sa, “Dinakdakan, favorite ko ito pag nag-iinuman at pulutan. Kaya dinakdakan si Carlo kasi mas gusto ko siyang kasama sa inuman.  Mas gusto ko siyang nandidiyan kasama ko lang tapos habang umiinom, siya ‘yung pulutan ko,” paliwanag ni Pooh.

Tanong kaagad ni Enchong, “Kasi kapag may alak may balak?”

“Wala na, walang ganu’n kasi iba na ‘yung level (pagkakaibigan),” say ng komedyante.

Si Kakai Bautista naman ay sa dinuguan naman inihambing ni Pooh, “Kasi masarap, the best.”

Napaisip naman nang husto si Pooh kung saan ulam niya ihahambing si Pasig Cty Mayor Vico Sotto kaya sinabihan siya ni Enchong ng, “10 minutes later.”

Sagot ng komedyante, “Feeling ko I

isaw siya kasi masa kaya kahit saan siya ilugar o ilagay, patok. Good governance, brainy, presentable, maayos ganu’n. Tapos ang isaw kahit saan pag nakita mo, ‘ay masarap ‘yan.”

Si Ian Veneracion ay, “Bagnet!”

“Pinagpawisan ako. Ha-hahaha!  Nakasama ko siya (nalimutan), basta sa isang serye.  Bagnet  kasi crunchy (muwestrang kinagat) tapos masarap. Makasalanan kasi alam naman natin na highblood (bagnet) pero pinipilit mo pa rin, so isa siyang bagnet for me,” masayang sabi ni Pooh habang pinagpapawisan.

At mas lalo pang pinagpawisan si Pooh nang banggitin ni Enchong ang pangalan ni Rayver Cruz. Sa Ilokanong ulam na poqui-poqui (nilagang talong na may scrambled eggs) inihambing ni Pooh ang boyfriend ni Janine Gutierrez.

“Feeling ko si Ray, poqui-poqui ano (sabay tawa ni Enchong), gulay siya talong siya, eh,” sambit ng komedyante.

Tanong kaagad ni Enchong, “Anong reference mo bakit mo natawag na talong si Rayver.”

“Ayoko, nahihiya ako,” saad ni Pooh.

“I-share mo na, nandito na rin naman tayo,” seryosong sabi ni Enchong.

“Ayoko! Ayoko talaga pramis!” sabay iling nito.

“Si Rayver lang po ang nakapagpatayo sa akin (private part). Ha-hahaha (sabay silang tumawa ni Enchong)! Kasi niyakap niya ako, e, mga naka-boxers lang kami lahat. E, pagyakap niya sa akin, naramdaman ko ‘yung mga dulu-dulo ng mga bagay-bagay.

“Habang naramdaman ko ‘yun, na disorient ako, nadiskaril ako.

Tapos tumayo rin ‘yung mga bagay-bagay kagaya ng mga kamay, ganu’n. So napaganyan ako (itinaas ang dalawang kamay), yes more poqui-poqui.”

Nagkatawanan ang dalawa at pawisan talaga si Pooh pati sa itaas ng labi niya, “Pinagpapawisan talaga ako.”

Ano kayang reaksyon ni Rayver dito?

Marami pang ulam ang natira kaya panoorin ang vlog na ito sa YT channel ni Pooh.

Read more...