TULUYAN na ngang na-fall ang manonood nang sinabi ni Chef Harvey (Kelvin Miranda) kay Apple (Mikee Quintos) ang mga salitang “Gusto kita” sa GMA Public Affairs romance-fantasy series na “The Lost Recipe.”
Sino nga kaya ang pakikinggan ng puso ni Apple? Ano kaya ang sigaw ng mga manonood? Team Harvey o Team Frank?
Samantala, talaga rin namang naipakikita ng “The Lost Recipe” ang ganda ng Maynila. May ilang viewers pa na nag-reminisce ng kilig scenes ng paborito nilang love team na #MiKel.
Ayon sa mga social media post, bukod sa kuwento nina Chef Harvey at Apple, nakaabang din sila sa mga taping location ng serye lalo na kung saan ginanap ang iconic scenes nila.
Ilan sa mga ito ay binisita na ng netizens at fans para ipakita ang kanilang suporta sa programa. Komento nga ng ilang netizens, naging instant tourism ambassador ng Maynila ang magka-loveteam dahil sa magagandang location na ipinakikita nila sa serye.
Ayon pa sa kanila, mas napahanga sila sa ganda ng Maynila nang makita nila ang iba’t ibang makasaysayang mga lugar na napanood nila sa “The Lost Recipe.”
Patuloy na kiligin sa mga eksena ng “The Lost Recipe”, gabi-gabi pagkatapos ng “24 Oras” sa GTV.
* * *
Ibinahagi nina Thia Thomalla at Pancho Magno ang ilan sa ginawa nilang paghahanda para sa kanilang role bilang miyembro ng Presidential Security Team sa upcoming Kapuso romantic-comedy series na “First Yaya.”
Aminado si Thia na challenging gampanan ang kanyang character na si PSG Val Canete lalo pa at malayo ito sa kaniyang personalidad at kakaiba mula sa kaniyang previous roles.
Aniya, “There was only one time na nag-Zoom kami ng mga PSG, nag-usap kami kung ano ang mga dos and don’ts, pati ’yung mga research namin.
“Medyo nahirapan din ako, but I’m really happy with the role and I hope na ma-enjoy ninyo ang scene namin ni Pancho kasi sobrang nag-enjoy kami ni Pancho and sana ma-justify namin ’yun,” sabi pa ng beauty queen.
Samantala, ibinahagi naman ni Pancho Magno na siyang gaganap bilang si PSG Conrad Enriquez na sumabak din sila sa martial arts at firing training para sa serye.
“Nag-firing kami para ma-practice ’yung stance, kung paano ’yung proper na paghawak ng hand gun, and siyempre nag-training din kami kung paano ’yung mga positioning, kung ano ’yung mga ginagawa ng mga PSG. Nag-research kami about doon,” sabi ng Kapuso actor.
Abangan ang world premiere ng “First Yaya” ngayong Lunes pagkatapos ng “24 Oras,” sa GMA Telebabad naman.