SA tunay na buhay, nagsilbing “yaya” na rin ang Kapamilya leading lady na Sanya Lopez kaya naman perfect sa kanya ang bago niyang teleserye.
Kuwento ng dalaga, may bahagi sa kanyang buhay na kinailangan niyang alagaan ang mga anak ng kanyang mga pinsan, pati na ang kanyang lola.
Si Sanya ang gaganap na leading lady ni Gabby Concepcion sa bagong primetime series ng GMA, ang “First Yaya” at sa nakaraang mediacon ng programa ay naikuwento nga niya na noong nasa elementary pa lang siya ay siya na ang nag-alaga sa baby ng kanyang mga pinsan.
Bukod dito, siya rin ang nag-alaga sa kanyang lola sa Bulacan noong masa high school na siya kaya naman hindi na siya masyadong nag-effort sa role niya sa “First Yaya.”
“Magpapalit ng diaper kung kakayanin, nagpapatulong ako sa mga tita ko pa rin, nagpapakain sa kanila, nagluluto ng mga pwede nilang kainin,” pag-alala ni Sanya sa kanyang yaya days.
Aniya pa, “Nu’ng high school ako sa Bulacan, kasama ko doon ‘yung lola ko, ako na ‘yung kasama niya tapos ako lagi nagpe-prepare ng pagkain ni lola, ako naglalaba ng damit ni lola, ako talaga nag-aalaga sa kanya.”
Chika pa ng dalaga, “Ginagawa ko siya, hindi dahil responsibility, e. Ginagawa ko siya dahil mahal ko ‘yung inaalagaan ko.”
“‘Yun naman ‘yung importante, e. ‘Tsaka sila ‘yung kapag tinulungan, ramdam mo ‘yung pagmamahal nila sa ‘yo. Kaya hindi mo mararamdaman ‘yung pagod,” dugtong pa niya.
Paano niya nagamit ang kanyang experience sa pag-aalaga sa kanyang mga pamangkin at lola sa kanyang karakter bilang si Yaya Melody sa “First Yaya”?
“Nagamit ko siguro ‘yung mas puso ‘yung pinairal ko, pinaramdam ko sa kanila na once mayroon kang isang tao na inaalagaan, importante na mayroon kang puso. Importante na totoo ‘yung pinapakita mo sa kanila,” sagot ni Sanya.
Magsisimula na ang “First Yaya” sa Lunes, pagkatapos ng “24 Oras.” Makakasama rin nina Gabby at Sanya rito sina Cassy Legaspi, Joaquin “JD” Domagoso, Gardo Versoza, Kakai Bautista, Thia Thomalla, Pancho Magno at marami pang iba.