Nadagdagan pa ang mga lugar sa Quezon City na isinailalim sa Special Concern Lockdown Areas (SCLA).
Mula sa 17, umabot na sa 19 ang bilang ng mga lugar na mahigpit na binabantayan dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid-19.
Nilinaw naman ng Quezon City government na may mga partikular na lugar lamang na kabilang sa SCLA at hindi buong barangay.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
– De Los Santos Compound, Heavenly Drive, Barangay San Agustin (simula March 1)
– No. 46 and 50 K-9th Street, Barangay West Kamias (simula March 3)
– 49 & 51 E Rodriguez Sr. Ave., Barangay Doña Josefa (simula March 4)
– Paul Street and Thaddeus Street, Jordan Park Homes Subdivision, Doña Carmen, Barangay Commonwealth (simula March 4)
– No. 64 14th Avenue, Barangay Socorro (simula March 6)
– No. 64-B Agno Extension, Barangay Tatalon (simula March 7)
– No. 237 Apo Street, Barangay Maharlika (simula March 4)
– No. 90 Gonzales Compound, Barangay Balon Bato (simula March 8)
– No. 2A – 4 K-6th, Barangay West Kamias (simula March 8)
– Bahagi ng Sitio 5, Jose Abad Santos, Barangay Sta. Lucia (simula March 9)
– No. 138 -178 Orchids Street and No. 153-165 Jasmin Street, Barangay Central (simula March 10)
– No. 43 Salvador St., Barangay Krus Na Ligas (simula March 10)
– Bahagi ng Ramos Compound, Barangay Unang Sigaw (simula March 10)
– No. 86 C. Benitez Street, Barangay San Martin de Porres (simula March 10)
– No. 27 Mabituan Street, Barangay Masambong (simula March 11)
– No. 77 to Block 2 Lot 7 Orchids Street, Freedom Park 3, Barangay Batasan Hills (simula March 11)
– Nos. 20 and 22 Antique Street, Barangay Ramon Magsaysay (simula March 12)
– No. 43 Langka Street, Barangay Balingasa (simula March 12)
– Christ the King Mission Seminary, No. 101 E. Rodriguez Sr. Ave., Barangay Kristong Hari (simula March 12)
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na mamamahagi ng food packs at essential kits para sa mga apektadong pamilya.
Sasailalim din ang mga apektadong pamilya sa swab testing at mandatory 14-day quarantine.