Sharon nagsimulang magpapayat noon pang 2016; marami raw pasabog ngayong 2021

TAONG 2016 pa nu’ng magsimulang magpapayat si Megastar Sharon Cuneta pero aminado siya na hindi talaga niya kinakarir at sineseryoso ang kanyang fitness journey.

Iyan ang inamin ng award-winning actress sa latest post niya sa Instagram kung saan kitang-kita ang pagnipis ng kanyang katawan, lalo na sa may bewang.

Dito nga nabanggit ni Mega na nagda-diet at nagwo-workout na siya simula pa noong January, 2016 ngunit nito lang mga nagdaang buwan lang talaga niya ito pinaglaanan ng panahon, lalo na ngayong panahon ng pandemya.

At dahil sa laki ng ibinaba ng kanyang timbang, ngayon lang niya uli naramdaman ang kakaibang kaligayahan na matagal na niyang hindi na-feel sa kanyang buhay.

“You can always see the real state of my heart in my EYES. Losing weight is hard. Being INSPIRED to do it or anything else is harder to come by,” bahagi ng caption ni Sharon sa kanyang IG post.

Patuloy pa niya, “Right now, I am [inspired]. Very much so! Finally. And I looove working again! Lots of surprises coming up for you, my Sharonians!

“For now, please be happy that I am VERY happy! My heart is alive and jumping for joy! I love YOU,” pahayag pa ng nag-iisang Megastar na nagsabing konting-konti na lang at maa-achieve na niya ang inaasam na ideal weight.

Kung matatandaan, nitong nagdaang Enero (birth month ni Shawie), nag-post ang movie at OPM icon ng kanyang swimsuit photo at ibinandera na na-achieve na niya ang size 10.

“Went swimming and had this picture taken today. Now my swimsuit is a size 10. I haven’t been a 10 in many years. My normal size when I was thin was 6 or 8 & I would panic na pag 8!

“Now to get to size 6 means I need to lose the last 20 lbs. After so many years of trying to get rid of all this extra weight and losing anywhere from 60-80 lbs., 20 doesn’t seem like too much work anymore.

“Please pray for me. Then WATCH ME. Hah! Thank You Lord for that all-important bonk on the head before 2020 ended that knocked me into my senses – now it’s even been helping me lose weight! Nyahaha!

“Galing ng Diyos talaga. Love you everyone! Thanks for your loving messages,” mensahe pa ni Sharon.

Read more...