NAGBAKASYON ang “It’s Showtime” main host na si Vice Ganda sa Baguio kasama ang ilang friends at ang dalawang kasambahay na sina Vangie at Jacque.
Sa vlog ni Vice Ganda titled “Who Knows Me Better” ay tinanong nito ang dalawang kasambahay. Mas maraming nasagot si Jacque dahil mas matagal na siyang kasama ni Vice sa bahay.
Sa bandang huli, Vice asked kung ano ang pinakagusto ng dalawa sa kanya. “Mabait, para sa akin mabait ka,” sagot ni Vangie.
“Ako ate ‘pag good mood ka… pag masaya siya, less talak,” say naman ni Jacque.
“Ano’ng pinakaayaw niyong ugali sa akin?” tanong ni Vice Ganda.
“Bigla na lang nagagalit,” mabilis na sagot ni Vangie.
“Ako, ate, ‘yung ano, ‘yung kahit mag-explain ka hindi mo naman inaano, mali pa rin sa ‘yo, eh, tama naman kami,” sagot ni Jacque habang tumatawa.
“Sobrang love nila ako kaya love na love ko sila… forever kaming family kahit lagi kaming nabubuwisit sa isa’t isa as in madalas pero ganu’n talaga ang family. Nagkakabuwisitan pero love namin ang isa’t isa,” say ni Vice sa huli.
Incidentally, may bagong segment sa “It’s showtime” called “Versus” kung saan pwedeng magpakitang gilas at manalo ng papremyo may totoong talento man o wala.
Sa pagsisimula ng linggo, tatlong challengers na may angking talento ang isa-isang pipili mula sa limang mystery acts o “abangers” para hamunin sila sa isang talent showdown sa araw na iyon.
Kailangang magaling pumili ang challenger na kanilang hahamunin dahil maaaring “havey” o totoong may talento ang “abanger” o kaya sila ay “waley” at niloko lang ang madlang people sa kanyang talento.
Nasa kamay naman ng mga hurado ang mananalo sa kumpetisyon dahil pagbobotohan nila ang contestant na mas nagpabilib sa kanila.
Sa ngayon, nakaupo bilang mga hurado sina Roxanne Guinoo-Yap at Jerrald Napoles, habang nagpapalitan naman sina Vhong Navarro at Kim Chiu bilang ikatlong judge.
Makakasali rin sa kumpetisyon ang viewers dahil pwede silang manalo ng P5,000 kapag nag-tweet o nag-comment sila sa Facebook gamit ang official hashtag of the day kasama ang pangalan ng contestant na sa tingin nila ay mananalo para sa araw na iyon.
Sa mga gusto namang makipagtagisan sa “Versus,” magpadala lang ng audition video na may pangalan, address, at contact details sa VersusShowtimePH@gmail.com. Maaaring sumali ang kahit sino na 16 hanggang 55 taong gulang.
* * *
Markado ang role ni Simon Ibarra bilang Cesar sa “Ang Sa Iyo Ay Akin” kaya naman grateful siya sa ABS-CBN.
“First, siyempre gusot kong magpasalamat sa ABS-CBN. Siyempre masaya kasi pnagtiwalaan nila. Kaya naman ganyan lumabas si Cesar ay dahil collaboration iyan sa writer.
“Ano ba ang damdamin ng character habang sinusulat niya ito. Siyempre, may input ako. May collaboration din ako sa director kung papaano ba ang magandang gawin ko kaya lumabas si Cesar nang ganoon.
“But still, salamat sa Diyos, sa ABS-CBN at kay Ma’m JRB na pinagkatiwalaan nila ako nang ganoon,” say ng magaling na character actor.
May kaba ba siya sa tuwing makakaeksena niya sina Maricel Sorian, Jodi Sta. Maria at Iza Calzado?
“Yes, hindi naman nawawala ‘yung kaba. Alam naman natin ang kalidad ng mga artist ana ‘yan. Silang lahat ay mahuhusay, lahat ay awardees na. pinaghahandaan ang character, pinaghahandaan ang dialog dahil alam ko na sila (ay magaling). Yes, lagi akong may kaba,” paliwanag niya.
Next week na magtatapos ang nasabing show pero sinabi ni Simon na hanggang sa huli ay may pasabog pa siyang gagawin.
“Palagay ko, mas madadagdagan ang inis nyo sa kanya kasi ginugulo niya ang buhay ng dalawang lead character, ng dalawang pamilya. Marami pa siyang gagawing kalokohan,” say niya.