Anak nina Aljur at Kylie dinala sa ospital matapos makagat ng aso

NAOSPITAL ang tatlong gulang na anak nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla na si Alas Joaquin matapos itong makagat ng aso.

Ito ang ibinalita ng Kapuso actress sa kanyang Instagram followers kaninang madaling-araw kung saan ibinahagi rin niya ang litrato ng bagets habang nakaupo sa kanyang hospital bed.

Makikita sa picture si Alas na may nakakabit na IV drip sa kaliwa niyang kamay. Hindi naman napigilan ni Kylie na ibandera ang kanyang nararamdaman habang nasa ospital ang anak nila ni Aljur.

“So unbelievably proud of this boy. He is strong, he is resilient and he has such a wonderful sense of humor.

“Even through the scariest time of his life, he proved to be even stronger than even mama and papa,” ang isinulat na caption ng aktres sa kanyang IG post.

Ayon pa sa Kapuso star, nang dahil daw sa aksidenteng kinasangkutan ng anak, mas lalo pa raw niyang napatunayan ang kahalagahan ng pamilya.

“This time we had together has bonded us even more. It is truly through struggle we find strength and a new perspective.

“And it is life’s way of teaching us to appreciate what we have and what is front of us. Family through and through,” sabi pa ni Kylie.

Ito’y sa gitna nga ng kumakalat na tsismis na may problema ngayon sina Kylie at Aljur na baka maging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Ngunit nito lamang nakaraang araw, nag-post naman si Aljur ng litrato ng asawa sa Instagram na nakatawa at tinawag pa niya itong “Queen.” Kaya naman ang hula ng marami ay nagkaayos na ang celebrity couple at balik ba uli sa dati ang kanilang pagsasama.

Read more...