PATULOY ang pakikipaglaban ng “Eat Bulaga” Dabarkads na si Pauleen Luna sa Polycystic Ovary Syndrome o ang tinatawag na PCOS.
Pinatunayan ng asawa ni Bossing Vic Sotto na hindi joke ang pagkakaroon ng PCOS kaya naman ginagawa niya ang lahat para malabanan at maging healthy para na rin sa kanyang pamilya.
Ayon sa website ng MayoClinic.org, ang Polycystic Ovary Syndrome ay isang “hormonal disorder common among women of reproductive age.”
Bagamat sinasabing wala pang “exact cause” ang PCOS, “its most common signs and symptoms include irregular periods, excess androgen or male hormones, and polycystic ovaries.”
Sa kanyang social media account, nag-post ang 32-year-old TV host-actress ng isang short video kung saan mapapanood ang kanyang workout routine.
Ayon kay Pauleen, tanggap na niyang medyo mabagal ang development ng ginagawa niyang fitness journey dahil na rin sa kanyang hormonal disorder.
“A little over a month into my fitness journey, and I’m starting to feel strength coming back! I’ve accepted that it’s a slow progress, but slow is better than none,” aniya sa caption.
Dagdag pa ng “Eat Bulaga” host, “Living with PCOS is no joke. Making good choices with my food intake and moving (it’s pilates, walking, and spinning for me) has been my priority lately.
“So happy where I am right now, and I really pray that God will sustain me,” aniya pa.
Bumuhos naman ang comments sa post ni Pauleen sa Instagram at pinuri ang kanyang disiplina at determinasyon na alagaan ang kalusugan.
Nauna rito, naibahagi na rin ng aktres noon ang paglaban niya sa PCOS pati na ang pagtanggap sa mga nangyayaring pagbabago sa katawan at sistema niya matapos isilang ang anak nila ni Bossing na si Baby Tali.
Sa isang interview, naikuwento noon ni Poleng ang matinding takot na naramdaman niya noong biglang bumagsak ang heart rate ng kanyang anak.
“For a solid eight minutes, I was speechless. I was shaking.
“After that, they decided to open me up, kasi they couldn’t take a risk na mangyari ulit ‘yun ng other time na wala akong monitor,” lahad pa ni Pauleen.
Sa kabila ng tinatawag na “beautiful mess” sa pagiging magulang sinabi ni Pauleen na isa sa pinakamagandang nangyari sa kanya ay ang pagdating nina Bossing at Tali sa buhay niya.
Payo niya sa mga tulad niyang mommy, “Don’t be too hard on yourself, this is a journey, and it’s normal na sometimes you succeed and sometimes hindi.”