“MAHIYA naman kayo sa sarili n’yo!”
Yan ang matapang na banat ng singer-actress na si Geneva Cruz sa mga babaeng walang respeto at simpatya sa kapwa nila kababaihang nabibiktima ng pambabastos sa social media.
Muling naglabas ng saloobin ang OPM artist hinggil sa patuloy na pambu-bully at pangungutya ng napakaraming netizens sa kanilang kapwa matapos makatanggap ng panglalait sa kanyang swimsuit photo sa Instagram.
Nauna na niyang sinupalpal ang mga body-shamers sa socmed na nagsabing maitim ang kanyang singit, fake ang boobs at mukha nang matanda.
Marami namang nagtanggol at nakisimpatiya sa dating member ng OPM group na Smokey Mountain kasabay ng pagkondena sa mga taong walang ginawa kundi ang maghasik ng kanegahan sa socmed.
Sa bagong post ni Geneva, sinabi niyang hindi naman talaga siya affected sa pang-ookray sa katawan at itsura niya pero hindi raw niya hahayaan ang pambabastos ng mga ito.
“I’m okay. Pero pakialam nya sa singit ko, akin yun! Hehe! Pero di ko palalagpasin pag bastos, I will make his/her pangbabastos fun, but he/she will be the main star of the show! LOL #standuptoonlinebullies,” ayon sa “Your Face Sounds Familiar” celebrity contestant.
“Let’s try and be kind, maikli kasi ang buhay. I don’t want to be remembered as a prick, I wanna be remembered as someone who encouraged people to be better versions of themselves, and someone who was kind and full of life.
“Ingat kayo! Just got home from work. Exhausted but happy. Tomorrow ulit! Mwaaaaah!!!” ang mensahe pa ni singer.
Samantala, nag-post din sa kanyang Instagram Stories ang aktres at muling nagbabala laban sa mga bastos at epal na netizens.
“I will restrict their page, and then I will make their pangbabastos fun, but they will be the main star of the show! This is my page, bullies aren’t welcome here. #standuptobullies,” aniya.
Kasunod nito, binuweltahan din ni Geneva ang mga babaeng nag-like sa mga mahahalay na comments ng mga basher laban sa kanya.
“Women’s month is all about uplifting one another, and if you’re not a woman, show respect to our kind because your mother who gave birth to you is also a woman.
“And to those people who liked the comment of this man, ‘shame on you,’ halos puro babae pa naman kayo. #standuptoonlinebullying,” ang dagdag pang paalala ni Geneva.