OKAY na ba ang mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla?
Binati kasi ng aktor ang kanyang misis nitong Martes kasabay ng selebrasyon ng Women’s month.
Nag-post si Aljur ng larawan ni Kylie sa Instagram na may iba-ibang facial expression at nilagyan ng caption na, “Many faces of our Queen (emoji heart). #internationalwomensday.”
Kinilig naman ang followers ng celebrity couple na nilagyan pa ng mga emoji hearts ang mga mensahe na umabot sa mahigit 2,000 comments at 79,000 likes.
Ayon kay @neliavillamayor7, “Love you both Aljur and Kylie stay happy and strong.”
Sabi ni @danicapanglao, “Promise ‘yung nakita ko tung post na toh gumaan loob ko kasi iwaaaaan ko parang na daanan ko toh o ngayun na sitwasyon na kahit anong laki ang inawayan n’yo o kajit sinong tao ang mag pigil o advice nasa inyung dalawa parin yung decision kaya love you both.”
Mula kay @ishymirasol26, “May god bless your marriage stay strong always there is nothing a couple couldn’t overcome together with God in the center of their lives.”
Natuwa naman si @chefems143, “Praise God (3 emoji hearts). Congratulations and Thank you Kuya @ajabrenica , Ate @kylienicolepadilla. Isa ako sa nalungkot, at naidalangin na sana’y malampasan ninyo ang lahat nang pagsubok sa Buhay na Masaya at magkasama. What God bounds together will remain forever. Always trust in Him and place God in the center of your marriage life always. Thank you for sharing this wonderful photo. I can now smile and nakakadagdag sa good thing happened.”
Samantala, bago ang pagbati ni Aljur ay nag-post muna siya ng larawang kasama ang mga anak na sila Alas at Axl habang nasa loob ng sasakyan. Pareho ito ng background na makikita sa litrato ni Kylie.
Ang caption sa larawan ng mag-aama, “A man who doesn’t spend time with his family can never be a real man. – Mario Puzo.”