KALOKA itong si Vice Ganda. Pinaglaruan kasi niya si Kim Chiu sa isang segment ng “It’s Showtime.”
“Happy naman kayo ni Jerald (Napoles) dyan?” tanong ni Vice kay Kim.
Noong una, hindi kaagad nakasagot si Kim sa tanong ni Vice Ganda. Ang inisip niya kasi ay si Gerald Anderson.
Pero sumagot na rin siya ng, “Ayaw kong sumali diyan,” para na rin siguro makaiwas sa issue ni Gerald who is lately being bashed sa pag-amin na dyowa niya si Julia Barretto.
Naloka na lang si Kim when Vice Ganda said he was referring to Jerald Napoles na isa sa mga judges sa baong segmeng ng “It’s Showtime” na “Versus”. Kasama ni Jerald bilang judge sina Roxanne Guinoo at Vhong Navarro.
“Happy kami rito ni Jerald and ni Roxanne,” say ni Kim.
Nag-react naman kaagad si Roxanne and said, “Kimerald pala ito, Kimerald.”
Unang na-link si Kim kay Gerald noong nasa “Pinoy Big Brother” pa sila. Naging magdyowa ang dalawa hanggang sa maghiwalay at magkaroon na ng kanya-kanyang buhay at lovelife.
* * *
As a boyfriend ay ang sweet pala ni Enzo Pineda. Panay ang date kasi nila ni Michelle Vito, isa sa mainstays ng seryeng “Bagong Umaga.”
Sa kanyang Instagram account recently ay ipinost niya ang dinner date nila ni Michelle sa isang bubble resto. Ang sweet ng dalawa.
Noong first anniversary nila, isang bouquet of flowers na mas mataas pa sa tao ang regalo ni Enzo kay Michelle.
In another post, isang collage of photos naman nila ni Michelle ang ipinost ni Enzo sa kanyang Instagram account.
Hindi lang sweet na boyfriend si Enzo sa star ng “Bagong Umaga”, may sense din siya bilang tao.
We’re saying this kasi napanood namin ang video niya bilang ambassador ng World Wide Fund for Nature-Philippines.
Sa isang post niya sa IG ay isinusulong niya ang urban gardening and sustainable food production and consumption.
“Hello everyone. I am Enzo Pineda and I want a world where everyone has enough to eat. It’s a clear problem with food made clear by the pandemic.
“We need a sustainable food system that lets everyone eat and supports our environmental frontliners and farmer who work so hard to provide food for us.
“Promote urban gardening because I want our people to have sustainable food to eat.
“And last year, third quarter of 2020, approximately 7.6 million families experienced hunger. How about you? What world would you like to live in?”
‘Yan ang say ng aktor sa short video niya sa kanyang Instagram account.