Janella laging pagod, puyat sa pag-aalaga sa anak: But I’m enjoying every bit of being a hands-on mum!

PAGOD at puyat man palagi ang Kapamilya actress at first time mommy na si Janella Salvador, super happy naman daw siya sa pag-aalaga sa anak nila ni Markus Paterson.

Inisa-isa ni Janella ang mga gawain niya bilang hands-on nanay sa panganay na anak na si Baby Jude, kabilang na riyan ang pagpapadede at pagpapalit ng diapers.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng aktres ang kanyang daily routine bilang ina ni Jude at bilang partner ni Markus, at hindi nga raw mawawala riyan ang pagbubukas ng TV para sa favorite show ng bagets, ang “Cocomelon”.

“This has been life for me recently. Wake up, change nappies, feed the bubba, try to go back to sleep, put cocomelon on tv, read some colorful books, burp the bubba, bathe the bubba, do a little house organizing, have friends and family visit…. all that jazz — and I’m not complaining,” pahayag ng 22-year-old actress.

Aniya, sa kabila ng nararamdamang pagod, masayang-masaya siya sa pagiging hands-on mother at wala raw itong katumbas na anumang materyal na bagay.

Nagparamdam naman ang aktres na nami-miss na rin niya ang showbiz kaya posibleng very soon ay mapanood na uli siya sa TV ng madlang pipol.

Dagdag pa ni Janella sa caption ng kanyang IG post, “I’m excited to go and start working very soon but I’m enjoying every bit of being a hands-on mum. This is the happiest I’ve ever been.”

Nitong Pebrero lang nakabalik sa Pilipinas sina Janella at Markus kasama ang panganay nilang anak makalipas ang ilang buwang pananatili sa United Kingdom.

Nagtungo roon ang celebrity couple noong September, 2020, o isang buwan bago manganak ang aktres. Talagang itinago nila sa publiko ang kanilang sitwasyon noon para na rin sa kapakanan ni Baby Jude.

“I wasn’t hiding it for selfish reasons. I wanted to hide it because I wanted to cherish the moment in my life, na first time ko maging mom. Iyong wala munang ingay, ‘yung may sarili muna akong moment to enjoy it,” paliwanag ni Janella.

Read more...