Male talents tinanggihan ng kilalang producer; puro ‘sabaw’ daw, chakang kausap

TINANGGIHAN pala ng kilalang movie producer ang male aspiring talents na inilapit sa kanya ng manager sa paniniwalang mabibigyan ng project ang mga ito.

Marami kasing ginagawang TV series at pelikula ang nasabing prodyuser. May mga itsura naman ang mga aspiring talent base sa ipinakita sa aming mga larawan at video.

“Hindi type ni ____ (movie producer). Kasi in-interview niya isa-isa, sinipat-sipat, e, mga walang laman daw, puro sabaw. So sablay na.

“Inoobserbahan pati body language nila, e waley kaya hindi pumasa. Saka kung paano makipag-usap parang nasa kanto lang, e, alam mo naman si _____ (movie producer), gusto niya maayos makipag-usap at puwede mong iharap kahit kanino.

“’Yung pananamit mukhang dumaan pa sa designer bago humarap kaya napailing si ____(movie producer), napaka-stiff daw. Sana man lang normal na kilos. Nakabihis pero chaka kausap. Ha-hahaha!

Hindi nag-match,” kuwento ng source namin na nagkataong nasa opisina ng producer noong dinala ang male aspiring talents.

Tinanong nga raw ng movie producer ang talent manager kung saan massage parlor niya nakuha ang mga lalaki dahil halata raw ang pagiging masahista.

Biro namin sa aming source, e, di mas maganda, puwedeng i-revive ang pelikula ni Coco Martin na “Masahista” at least natural na ang acting nila ro’n.

“Ha-hahaha! Hindi gumagawa si ____  (movie producer) ng bold, ano ba?” tumawang sagot sa amin.

* * *

May pag-asa pa sina Amanda Zamora at Ralph Malibunas na mapabilang sa Big 4 at makatuntong sa Big Night ngayong Linggo (March 14) habang natapos na ang laban ni Chico Alicaya sa “Pinoy Big Brother Connect” na nasa final week at mapapanood na rin sa TV5.

Sa ginanap na 11th eviction night noong Linggo, ang tinaguriang Striving Footballer ng Cebu ang nakakuha ng pinakamababang boto mula sa taumbayan kung kaya sina Amanda at Ralph ang tinanghal na Big 4 Challengers.

Nakakuha si Amanda ng 31.7% ng pinagsamang Kumu at text votes, habang si Ralph naman ay may 5.66% at -6.12% lamang ang kay Chico.

Akala nina Amanda, Ralph, at Chico na tatlo silang mapapalabas sa bahay ni Kuya matapos magwagi sina Andrea Abaya, Jie-Ann Armero, Liofer Pinatacan, at Kobie Brown sa “Apat na Karapat Dapat”
Challenge upang maging Big 4. Ngunit, laking gulat nila sa anunsyo na may dalawang napili ang taumbayan na bigyan pa ng isang pagkakataon na matupad ang pangarap.

Bakas naman sa mukha ng kasalukuyang Big 4 na sina Andrea, Jie-Ann, Liofer, at Kobie ang gulat at kaba na maaring maagaw pa sa kanila ang titulong Big 4. Kaya naman sa huling linggo ng “PBB Connect,” kailangan subaybayan ng viewers kung may kapalaran nga bang mababago sa mga natitirang housemates.

Ngayong gabi, magsisimula na ang paghamon nina Amanda at Ralph sa dalawa sa kanilang mga housemate. Manaig kaya sila at makapasok sa pinal na Big 4? Subaybayan ang mga umaatikabong kaganapan sa huling linggo ng “PBB Connect” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, A2Z, at TV5.

Read more...