Kitkat na-trauma matapos mabiktima ng Basag-Kotse Gang

KASALUKUYANG nagpapa-therapy si Kitkat Favia dahil sa trauma na dinanas matapos mabiktima ng Basag Kotse Gang.

Binasag ng mga suspek ang sasakyan nilang mag-asawa at maraming gamit ang nawala bukod pa sa malaking halaga na natangay.

Ayon kay Kitkat, ipinark lang nila sandali sa tapat ng isang bangko sa Quezon City ang sasakyan pero pagbalik nila ay basag na ito at nanakaw na ang mga gamit nila.

Bukod dito ay nagpa-panic attack pa ang komedyana dahil sa trauma niya sa nangyari sa kanila ni Janno Gibbs kaya hindi siya masyadong nakakausap.

May mga nagpapadala ng mensahe sa TV host-comedienne at hinihingi ang reaksyon sa tsikang puwede na raw silang bumalik ni Janno sa “Happy Time” at ang kundisyon ng NET 25 management ay magbati sila ng co-host.

May nagtanong din sa amin kung nakakausap namin si Kitkat dahil hindi nga sila sinasagot kaya kinulit namin to the max ang komedyana tungkol sa isyung pinababalik sila sa “Happy Time.”

“Tita Reggee, wala pong nakarating sa akin na pinababalik ako sa Happy Time.  Saka wala naman po akong manager, booking agent po si Mama Betchay kaso pag tatawag siya sinusumpong akong ng panic attack kaya hindi ko siya nakakausap nang maayos.

“’Yung sinasabing makikipagbati sa akin si Janno, pinag-ayos na po kami noong nagharap kami sa management. So, alam ko okay na ‘yun.

“Tapos nag-post nga po ako na nagpatawad na ako tungkol sa mga nangyari, pero sumagot po si Janno, nag-post din siya at galit na galit,” paliwanag sa amin ni Kitkat.

Binanggit namin na ni-repost ni Janno ‘yung post ng komedyana nu’ng madaling araw na umuwi siyang galit na galit which is naresolba nu’ng araw na nagpatawad na si Kitkat at niresolba na rin ng management.

“Pinost ko po iyon nu’ng gabing minura niya ako, siyempre galit ako kaya naglabas ako ng sama ng loob ko, pero binura ko rin naman dahil sinabihan ako ng management. Tapos pinag-ayos na nga kami.

“Doon po sa sinabi kong nagpatawad na ako, tapos na ‘yun, iyon na ang huli kong mensahe para sa isyu, hindi na ako magsasalita pa.

“Tungkol naman sa puwedeng bumalik, sa totoo lang po wala namang nakarating sa akin, ang alam ko, tinext ako at sinabing tanggal na ako sa ‘Happy Time.’ Pati nga po sa “Kesayasaya’ wala na rin ako, e, ano ba kinalaman nu’ng show na yun sa Happy Time?” mahabang pahayag ni Kitkat.

Sa kasalukuyan ay maraming inaasikaso ang TV host sa negosyo nila at pina-follow-up na rin ang report sa nangyaring insidente sa sasakyan nila.

Read more...