Fans nina Derek at Gerald nagsagutan; Ellen dedma sa nagtatanggol kay John Lloyd

WALANG pakialam sina Derek Ramsay at Ellen Adarna sa pahayag ng netizens na maging sensitive naman sana sila sa feeling ni John Lloyd Cruz.

Ito’y para sa anak nina Ellen at John Lloyd na si Elias na lagi ngang kasama ang bagong boyfriend ng aktres na si Derek. Pagkatapos mag-post ng aktor ng video na magkatabi sila ng bagets sa kama at hinahawakan ang kanyang mukha ay ang una naman ang nag-post ngayong araw.

Ipinost ni Ellen sa kanyang Instagram story ang video na naglalaro ulit sina Derek at Elias na ang caption niya ay, “My Boys, My Heart.”

Hinagis-hagis ni Derek si Elias na humahagikgik naman sa tuwa kaya tuwang-tuwa rin si Ellen dahil magkasundo ang dalawang mahal niya sa buhay.

Habang hinahagis-hagis ng aktor si Elias ay nagsabi ito ng, “Tito Derek is tired” at saka itinigil ang ginagawa sa bagets na tila gusto pa rin kaya niyakap ang aktor na tila nire-wrestling dahil inuupuan nito sa mukha.

Sabi naman ni Ellen sa background, “Good luck with boxing later” na ang tinukoy niya ay si Derek na may ensayo pagkatapos ng laro nila ni Elias.

Ipinost din ito ng isang online website at maraming netizens ang nagbigay ng komento.

“Hindi kumpleto ang bawat araw natin mga classmates kapag walang update mula sa dalawang lovebirds na ito. Sobra silang mag share. Laging may ganap dapat. Masaya kaya talaga sila? Anyway, sana sila na poreber.”

“Parang walang problem happy happy Lang, daming Pera nagpapasaya.”

“Hehehe may pa-update un dalawa. Promote din ng sarili pag may time.”

“Well, using her son with JLC as a weapon for spite or to hurt JLC’s feelings is just POOR CHARACTER on Ellen, AND on Derek for willingly doing it.”

Dahil parehong in the news sina Derek at Gerald Anderson kaya ikinumpara sila ng mga netizens.

“Grabe! Nag compete si Team Gerald at Team Derek kung sino mas pag-uusapan. Ayaw patalo ng paramihan ng bashers!”

Sa kabilang banda ay ipinagtanggol ng isang netizen sina Ellen at Derek dahil, “Ganyan gawain ng mga babae pag ung real jowa nila e walang time medyo childish pero effective. Parang ‘yan ung way para magising sa katotohanan ung isa. ‘Wag masyado iblame c Ellen. Parang I feel her! JLC make time ka kc sa anak mo jusme.”

Sinangga naman ito ng maka-John Lloyd, “Matagal-tagal na rin silang wala ni JL, kaya hindi na n’ya jowa, co-parenting na lng sila sa anak nila. Nagso-shoot ng movie nya si JL kaya di sila nagkakasama ng anak nya, depende ‘yan kay Ellen kung ipapahiram n’ya. Naka-moved on na si JL.

‘”Wag ganon ‘wag nyo ibalik kay JL yong pinaggagawa ni Ellen sa pag-expose sa anak n’ya sa social media with Derek. Hindi childish yan, famewhore tawag dyan. Si Ellen nagi-expose sa anak nya kaya s’ya ang mali. Magkarelasyon at magkaLive in na si Ellen at Derek kaya ‘wag nyo na isali si JL.”

Read more...