Gerald, Julia namigay ng ayuda sa Aeta community sa Zambales

SA tingin namin ay matagal nang naplano nina Gerald Anderson at Julia Barretto kung kailan sila aamin sa kanilang relasyon.

Sumakto kasi ito sa promo ng upcoming TV series ng aktor na “Init sa Magdamag” kasama sina Yam Concepcion, Alexa Ilacad at JM de Guzman na mapapanood na sa Abril, 2021 mula sa Star Creatives.

At higit sa lahat, birthday ni Gerald ngayong araw, Marso 7 at siyempre bilang kaarawan niya ay gusto niyang maging open na at ipagsigawan sa lahat na sila na ni Julia at makitang magkasama sila sa lahat ng lakaran at hindi na patagu-tago pa.

Ngayong araw ay isinama ni Gerald si Julia sa kanyang gift-giving para sa Aeta community sa Zambales kung saan makikitang namahagi ng tulong ang aktres with picture taking pa.

Katuwang ni Gerald ang mga kasamahan niya sa Philippine Coast Guard Auxillary kung saan isa siyang reserved officer.

Pagkatapos ng gift-giving ay makikitang naglalakad sa tabing dagat ang magkasintahan nang magkahawak-kamay pa.

Sa tingin namin ay wala nang pakialam si Gerald kung i-bash sila ni Julia basta ang nahalaga ay masaya sila dahil wala na silang itinatago.

May mga nagsabi rin na sana’y hindi paiyakin ni Gerald si Julia lalo’t bata pa ito sa edad na 23 kumpara sa aktor na 32 na.

Read more...