‘Ang Probinsyano’ ni Coco paaabutin pa ng 6 na taon; kailan naman lilipad si Darna?

TRENDING kamakailan ang balitang tatapusin na ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ngayong Abril, 2021 pero pinabulaanan ito ng Corporate Communications Vice President mg ABS-CBN na si Mr. Kane Choa.

Nabanggit pa ng TV executive na isa sa mga araw na ito ay maglalabas sila ng official statement tungkol sa umano’y nalalapit na pagtatapos ng serye bagay na hinihintay ng lahat.

Ayon naman sa nakuha naming chika ay galing ang balita sa isa sa mga taong involved sa aksyon-serye ni Coco Martin na gumaganap bilang si Cardo Dalisay.

May kasabihan nga tayo na kung walang apoy ay walang usok. Sa madaling salita may mga ganitong pinag-uusapan na at pero nang naunahan itong lumabas sa balita ay biglang binawi.

May follow-up report naman na hindi na sa Abril, 2021 magtatapos ang programa ni Coco kundi sa July, 2021 na dahil in-extend daw, na  hindi naman kinontra ng ABS-CBN.

May tinanungan din kaming involved sa “FPJ’s Ang Probinsyano” at nagulat siya sa balitang lumabas dahil sa pagkakaalam niya ay dire-diretso pa rin ang programa ni Coco, hindi lang niya alam kung may pagbabago na.

Ang nakarating sa aming balita ay gusto na raw muna ni Coco magpahinga dahil siguro’y napapagod na. Oo nga naman, mahigit limang taon na ito na nagsimula pa noong Set. 28, 2015.

Pero malakas at kumikita pa rin ang “FPJ’s Ang Probinsyano”, sa katunayan isa ito sa most viewed program sa YouTube na umabot na sa 43B views at number one pa ang Kapamilya YT channel ng ABS-CBN Entertainment sa Southeast Asia.

How true na ang latest chika ay extended na ang programa hanggang Setyembre, 2021, at sakto sa 6th anniversary ng “Ang Probinsyano?”

Well, abangan na lang natin ang mga susunod na pangyayari kung ano ang totoo, sa July ba o sa September na?

Anyway, kasama pa rin si Jane de Leon sa “AP,” kaya ang tanong, kailan naman kaya siya magsisimulang mag-taping para sa “Darna” series?

Unless kaya niyang mag-taping ng dalawang serye? Dahil base sa teaser ng ABS-CBN ay ngayong 2021 na rin ang airing nito.

Read more...