Baninay nakipagbalikan kay Bont Oropel: Ang sarap lang sa feeling na akin na ulit siya

CONFIRMED! Nagkabalikan na nga ang dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Baninay Bautista at ang kapwa niya YouTuber na si Bont Bryan Oropel.

Mahigit isang buwan na ang lumipas nang ibalita nila sa madlang pipol ang kanilang paghihiwalay at nito lang nakaraang araw ay kinumpirma ng magdyowang vlogger ang good news.

Mismong si Bryan ang nag-announce sa kanyang latest vlog na may titulong “Niligawan ko ulit siya” na sila na uli ni Baninay.

Talagang nag-effort siyang bigyan ang girlfriend ng romantic surprise bago sila magtungo sa Boracay kasama ang ilang malalapit na kaibigan.

“Actually nga, kami ni Baninay, after nu’ng birthday namin, nagkahiwalay na rin kami kasi nga nagkaroon ng issue.

“Tapos hanggang sa more than a month na kaming magkahiwalay. Ang hirap kasi sa business lang kami nagkakausap.

“Pero dahil nga may travel kami na naka-book na rito sa Boracay ngayon…bukod dito meron pa kaming naka-book sa Palawan,” kuwento ni Bont.

Aniya pa, “Ang awkward lang kasi paano ko siya makakasama nang ganu’n ‘yung sitwasyon namin. Mahal ko pa rin naman siya at alam ko naman na baka may chance pa sa aming dalawa.

“Kaya  gumawa ako ng way. Two days bago ‘yung flight namin dito, sinurprise ko si Baninay,” dagdag pa ng vlogger.

Naging emosyonal naman si Baninay nang makita ang romantic candlelit dinner na isa sa mga sorpresa sa kanya ng boyfriend last March 1. Dito tinanong ni Bont ang dalaga kung pwede pa silang magkaroon ng second chance.

“Ang saya ko kasi ganu’n ‘yung nangyari. Ang sarap lang sa feeling na akin na ulit siya, na kami na ulit. Ang dami naming pinagdaanan pero ganun naman talaga siguro ‘yung relasyon. Sabi ko nga, lagi ko siyang pipiliin, so siya pa rin ‘yung pinipili ko sa buhay ko,” pahayag ni Bont.

Chika naman ni Baninay, “Gulat talaga ako. Akala ko kung magbabalikan man tayo, via text, via call. Para akong naging teenager ulit.”

Sabi naman niya sa BF, “Nakipagbalikan ako sa ‘yo hindi dahil sa ginawa mo ngayon. Kundi kasi ilang araw na rin tayo na parang hindi magkasama. Alam mo ‘yun, na-realize ko na sobrang miss na miss na kita.”

Bago sila naghiwalay last January, dalawang taon din silang “in a relationship.”

Read more...