Kaya naman natanong kung ano ang mga unforgettable experience ng dalawang bida habang nasa location.
Nabanggit ni JC sa blogcon ng “Dito at Doon” nitong Huwebes ng hapon na hindi lahat ng gulay ay alam ni Janine.
“May eksena kasi kami dito na magluluto, di ba usually magsi-share ka ng mga bagay-bagay sa internet na (tulad) ng may bagong iluluto ngayon o uso na pagkain.
“So, ngayon tinuturuan ko siya (Janine) magluto at siyempre in-introduce ko ‘yung mga ingredients kay Janine (sabay tawa). Merong mga gulay na hindi kilala na nasa cast ng Bahay Kubo (kanta) at hindi niya alam kung ano itsura at ito ay, ‘ano nga ‘yun Janine?’” tumatawang kuwento ni JC.
“Labanos?” natatawang sagot ng aktres.
“Alam niya ‘yung English (name ng labanos) hindi niya alam ‘yun Tagalog,” natatawa uling sambit ng aktor.
“Hindi ko alam ang itsura niya,” saad naman ni Janine.
Ang hindi naman malilimutan ng dalaga, “Yung location po namin walang signal, so wala kaming ibang ginawa kundi magkuwentuhan, mag-bonding at nakatulong na rin iyon sa relationship naming lahat on set kami nina Yesh, Victor, JC.
“Even ‘yung bago mag-pack up at bawal nang lumabas ng kuwarto nag-uusap kami through the balcony, nagsisigawan kami.
“Si JC nasa kabilang dulo ng resort kami nandoon sa kabilang dulo, so ang saya nu’ng experience na hahanap at hahanap ka ng paraan to stay in touch and I guess it also relates sa anumang tema ng pelikula namin kung paano ka magme-maintain ng relationship sa panahon ng hindi kayo puwedeng magkita,” kuwento pa ng dalaga.
Pero bago pala itong “Dito at Doon” ay nagkasama na sina Janine at JC sa ibang project.
“Actually, we did a few days before on another project parang guest lang ako ro’n, yes we have spoken there, chika, so kumportable na talaga ako sa kanya kasi very warm talaga si JC.
“Ano lang ‘yung energy niya very accepting so, I really need to know him deeper so nu’ng ‘Dito at Doon’ na doon na kami nagkita and doon na talaga kami nakapagkuwentuhan sa lahat ng bagay.
“Minsan over dinner break ang dami na naming napag-usapan na tungkol sa pamilya and mga paniniwala namin nan a-figure out ko kung ano ‘yung mga pina-priotize like consistency and things like that, mga kung anu-ano lang talaga mga napag-usapan namin so, it really happened on chat na talaga doon na umikot,” mahabang kuwento ng aktres.
Kuwento naman ni JC tungkol sa leading lady niya, “Kilala ko na siya, nakikita ko na ‘yung work niya. Lagi lang akong curious kung paano siya on set, kung paano siya on a working environment.
“Actually, even sa lahat ng mga nakakatrabaho kong artista. Importante sa akin ang disiplina, importante sa akin ang kuneksyon so kung ano ‘yung expectation (ko) and reality parehong-pareho lang,” dugtong ng aktor.
At dahil married na si JC at may anak na rin ay natanong kung nagtanong si Janine tungkol sa buhay may-asawa o nanghingi ng tips.
“Tips? Hindi naman. I think si Janine magaling mag-observe, eh, so hindi na niya kailangang magtanong. Tips, I think ready naman na (mag-asawa) si Janine hindi na niya kailangan ng tips,” nakangiting sagot ng aktor.
Dagdag pa, “Settling down? Just take your time. Wala namang ready sa settling down so it’s all up to you.”
Habang sinasabi ni JC ang tungkol dito ay ang ganda naman ng ngiti ni Janine.
Pero sangga ng aktres ay wala pa ito sa takbo ng usapan nila ng boyfriend niyang si Rayver Cruz. Basta ang gusto nila ay magtrabaho ng magtrabaho at mag-ipon ng husto.
“Saka wala pa sa isip ko, eh. So, we’ll see, but not at the moment,” saad ng dalaga.
Samantala, mapapanood na ang pelikulang “Dito at Doon” sa Marso 17 sa mga sinehan, mula sa direksyon ni JP Habac, produced by TBA Studios at sa Marso 31 sa online streaming sites tulad ng iWantTFC, KTX.ph, Cinema76@home at Ticket2me.