Chesca, Doug gagawin ang lahat para sa inaasam na ‘Baby No. 4’

GAGAWIN lahat ng celebrity couple na sina Doug Kramer at Chesca Garcia para maisakatuparan ang kanilang inaasam na “Project: Baby No. 4.”

Gustung-gusto kasi talaga ng mag-asawa na dagdagan ng isa pang member ang Team Kramer at isa rin daw ito sa wish ng kanilang mga anak.

Nagkuwento sina Chesca at Doug tungkol sa kanilang “baby project” at sa ilang proseso na pinagdaanan nila sa pagkakaroon uli ng anak sa nakaraang episode ng “Tunay na Buhay” sa GMA 7.

Ayon kay Chesca, noong 2013 ay sumailalim siya tubal ligation matapos isilang ang ikatlo nilang anak ni Doug na si Gavin in 2013. Sa ngayon, nakatatlong IVFs (in vitro fertilization) try na raw sila.

“For the past (year and a half), we’ve had three failed IVFs na because, after Gavin, it was recommended that it was necessary to have herself ligated na,” pahayag ni Doug.

Aniya pa, “We decided after a long time. Gavin was born 2013 so we were set na parang, ‘Okay. Three kids. Let’s enjoy our time with the kids.’ And then 2019 came, and parang, sabi ko, ‘I want to have a baby again.'”

Hindi pa rin sinusuwerte ang mag-asawa sa kanilang pagta-try for a Baby No. 4 pero hindi pa rin daw sila nawawalan ng pag-asa.

“I don’t know if its our last hurrah, but we’re gonna be doing everything a little more extensively, more details. So, yes, we’re trying talaga,” sabi ni Doug.

“The kids also they all want to have a baby sister or a baby brother!” dugtong pa niya.

Kung matatandaan, noon pang 2019 in-announce nina Chesca at Doug ang plano nilang bigyan pa ng isang kapatid sina Kendra, Scarlett at Gavin at sana nga raw ay biyayaan pa sila ng Diyos ng isa pang anghel.

Read more...