Bea nanood ng mga video tungkol sa Alzheimer’s: Sa totoo lang sabi ko kay Alden, nakakapraning

BILANG paghahanda sa unang pagtatambal nila sa pelikula ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards, nag-research talaga si Bea Alonzo tungkol sa Alzheimer’s disease.

Gagampanan ng aktres sa Filipino remake ng Korean movie na “A Moment To Remember” ang isang married woman na na-diagnose ng Alzheimer’s disease sa batang edad.

Kuwento ni Bea, may firsthand experience na rin siya sa taong may Alzheimer’s, ito ay ang lola ng kanyang ex-boyfriend.

“I really felt bad for her nung lagi namin siyang nakakasama but sa family namin, wala naman kaming lahi,” sabi ng dalaga sa panayam ng GMA.

Kuwento pa niya, marami na rin siyang napanood na video tungkol sa nasabing medical condition, “I have been watching a lot of videos on YouTube about the disease, and sa totoo lang, sabi ko nga (kay Alden), medyo napapraning ako, nakakapraning.

“Tsaka I really feel for those na tinamaan ng disease, and for those who are taking care of those people who have Alzheimer’s because it’s not easy,” aniya pa.

Dagdag pa niyang chika tungkol sa kanilang pelikula, ipakikita nila rito ang “reality of life”, lalo na ang maaaring pagdaanan ng isang taong may Alzheimer’s.

“Actually, that’s what we are tackling on doon sa pelikula, na how difficult it is to be in a relationship with a person who has that type of disease.

“And ako naman, bilang ako ‘yung may character na may Alzheimer’s, how she’s going through it, and how she is losing her identity and how she’s struggling to actually keep her relationship with Alden’s character,” kuwento pa ni Bea.

Ang Philippine movie adaptation ng “A Moment To Remember” ay ipo-produce ng Viva Films, GMA Pictures at APT Entertainment.

Read more...