Sa mga millennial kasi ay hindi na ito uso dahil para sa kanila kapag magkasundo o swak ay sila na kaagad.
Pormal na nanligaw si Rayver Cruz sa aktres, bukod pa sa matagal na siyang kilala ng mama nitong si Lotlot de Leon. Sa pagkakaalam namin ay mas naunang naging kaibigan ng aktor ang nanay ng girlfriend niya.
Nabanggit din ni Janine na hangga’t maaari ay ayaw na niyang makipag-date sa taga-showbiz pero pinursige siya ni Rayver kaya nahulog ang loob niya rito.
Wala pang tatlong taon ang relasyon nina Janine at Rayver kaya ini-enjoy palang nila ang kanilang boyfriend-girlfriend relationship kaya malayo pa sa isipan nila ang kasal.
Sabi nga ng aktres sa ginanap na “Dito at Doon” virtual blogcon, “I’m just really thankful for what we have now.”
Samantala, sumalang sa Totropahin at Jojowain challenge si Janine na napanood namin sa isang website. Siyempre binanggit muna ang pangalan ni JC Santos na leading man niya sa “Dito at Doon.”
Ang sagot ng aktres, “Jojowain! Jojowain talaga si JC, sobrang hanga ako sa kanya kung paano niya mahalin ang pamilya niya. Hay grabe! Boyfriend material talaga.
“JC is such a gentleman. Sobrang generous, ganu’n din siya very tropa type at chill lang. Alam naman nating lahat na ang sarap panoorin ni JC, abangan n’yo siya sa ‘Dito at Doon’ ibang level talaga,” ani Janine.
Sumunod na pangalan na nabanggit ay ang producer ng “Dito at Doon” na si Paulo Avelino, “Ha-hahaha! Parang mas jowa rin ‘yung vibe ni Paulo kaysa tropa. Mga charming kasi ‘yung mine-mention. Hindi mo mapigilan na mas jowain kaysa tropa.”
Ang isa naman sa hottest actor ngayon na si Joshua Garcia, “My gosh! Cute rin si Joshua. Ano ba ‘yan lahat ng sagot ko jojowain. He’s so talented, friendly oo, baka mas jojowain,” sambit ng aktres.
Sumunod naman si Alden Richards na nakasama niya sa seryeng “Victor Magtanggol” sa GMA 7, “Si Chard, oh my God! Actually, puwede ring jowain. Masama sa akin ‘tong game na ‘to puro jojowain ang sagot ko. But Alden is so sweet, sobrang saya niyang katrabaho, sarap kausap so, ano rin jojowain.”
Pang-lima ang boyfriend ni 2018 Miss Universe Catriona Gray na si Sam Milby, “Oh my gosh! Napakaguwapo ni Sam and he seems like a very nice guy. Oh my, puwede rin siyang jowain. Ayoko na puro jojowain na lang. Ha-hahaha!” tumatawang sagot ni Janine.
Kasama rin si Gerald Anderson bilang pang-anim, “My gosh! Well, ano siya bestfriend siya ni Rayver so siyempre tropa, totropahin, yes.”
At ang idolo ng aktres na si John Lloyd Cruz, “Oh my gosh! Siya ‘yung pinakapangarap kong makatrabaho when I watch all his movies super idol ko ‘yan. So, I guess as a fan tropa.”
Ka join din ang boyfriend ni Kathryn Bernardo na si Daniel Padilla, “Ano para kaming, ano ba kinakapatid ko ba siya? Basta ‘yung mga mommy namin magkumare, saka KathNiel fan ako kaya totropahin.”
Pasok din ang boyfriend ni Nadine Lustre na si James Reid, “Oh my gosh, James Reid! Pinapanood ko rin ‘yung mga serye niya, I think totropahin. Feeling ko sobra siyang masarap kausap tungkol sa music and things like that so feeling ko masaya siyang maging tropa.”
At si Enrique Gil, “I’m a LizQuen fan so tropahin din.”
Anyway, mapapanood na ang pelikulang “Dito at Doon” sa Marso 17 sa mga sinehan kasama sina JC Santos, Yesh Burce at Victor Anastacio mula sa direksyon ni JP Habac na produced ng TBA Studios at sa Marso 31 sa online streaming sites tulad ng iWantTFC, KTX.ph, Cinema76@home at Ticket2me.