Arjo kay Maine: I just never want to stop making memories with you, I love you!

FEEL na feel ng Phenomenal Star na si Maine Mendoza ang pagmamahal at suporta ng mga mahal niya sa buhay pati na ng fans matapos bumaha ng pagbati para sa kanyang 26th birthday kahapon.

Bukod sa “Eat Bulaga” Dabarkads, nakatanggap din ng birthday greetings ang TV host-actress mula sa mga co-stars niya sa Kapuso sitcom na “Daddy’s Gurl” kabilang na sina Chamyto, Via Antonio at Ruru Madrid.

At siyempre, makakalimutan ba siyang batiin ng kanyang boyfriend na si Arjo Atayde na may guest appearance rin sa birthday episode ni Maine sa “Daddy’s Gurl”.

Nag-post ang award-winning actor sa kanyang Instagram ng photo nila Maine at nilagyan ng caption na, “I just never want to stop making memories with you. I love you! Happy Birthday, Bubby.”

Nagbigay naman ng mensahe si Maine sa lahat ng bumati at nagparamdam ng pagmamahal sa espesyal niyang araw, “Bilis ng panahon.. Maraming salamat po sa mga nakaalala at bumati. Happy birthday, self! #26.”

Samantala, mas naging espesyal pa ang kaarawan ni Maine kahapon dahil sa guesting na sikat na vlogger na si Albert Nicolas o mas kilala bilang Asian Cutie.

Isa sa mga choices sa “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga” si Albert at inamin ni Maine na fan siya ng kilalang YouTuber.

Ayon kay Albert, nag-start siyang mag-vlog noong 2017 at isa raw siyang wedding videographer. Natanong siya ni Maine kung marami bang nakakakilala sa kanya sa mga kasalan na kino-cover niya.

“’Pag sa weddings Albert, ang dami nagpapa-picture sa’yo aminin mo yan ”

Sey naman ni Albert, “Oo, actually, nagpa-picture ka sa akin.”

Sagot ng dalaga, “Nagpa-picture ako sa kanya! Nung wedding ni Sheena (Halili) nakita ko siya gumaganu’n, nagvi-video. Hindi ako makapaniwala.”

Ani Albert, “Actually, tinanong ako ni Maine sabi, ‘ikaw ‘yung sa Facebook ‘di ba?’Sabi ko, ‘Yes. Gusto mo magpa-picture? Ha-hahaha!”

“Wedding videographer po talaga ako, family business namin. Actually, connected din sa trabaho ‘yung mga videos ko nagugulat sila may effort daw, pero ginagamit ko lang ‘yung mga camera namin. Kapag may bakanteng oras sa shoot, pag may naisip kaming kalokohan ayun na du’n na nag-i-start,” kuwento ng vlogger.

Sa kanyang Instagram, binati rin ni Albert si Maine with matching picture pa nila ng aktres, “May stage fright talaga ako. bago kami sumalang sa Bawal judgemental sobra kaba ko.

“Nu’ng nalaman kong natatandaan ako ni Maine kumapal ang mukha ko lalo! Happy birthday! salamat at isa kang tunay na totoo! see you around and God bless you more and more!” aniya pa.

Read more...