KINILIG ang shippers ng #JulieVid tandem sa sinabi ni David Licauco tungkol sa leading lady niya sa upcoming GTV series na “Heartful Cafe” na si Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose.
Sa naganap na Kapuso Brigade Zoomustahan, na-curious ang fans sa kung ano ang masasabi ni David ngayon na nagkakasama na silang dalawa sa mga eksena.
Pagbabahagi niya, hangang-hanga raw siya sa work ethic ni Julie sa set, “She’s very nice. As we all know maganda naman talaga si Julie and she’s very talented.
“But ang pinakahinangaan ko sa kanya is ‘yung mood n’ya at 8 a.m. is not different from ‘yung mood n’ya sa last scene.
“I think that says a lot about her na masipag talaga siya at gusto niya ‘yung ginagawa n’ya. Sinabi ko nga sa kanya ‘yun, e. Na parang ang galing at ‘di ko siya nakita ever na sumimangot,” pahayag ng Kapuso hunk.
Dagdag pa ni David, “Kasi minsan naman talaga nakakapagod at ‘di naman madaling maging artista.
“So minsan, may mga ilan na napapakita ‘yon. Pero si Julie, same lang ‘yung vibe niya from 7 a.m. to 2 a.m. the next day,” aniya pa.
Samantala, sa isang panayam, sinabi naman ni Julie Anne na, “First time ko makaka-work si David bilang leading man kaya I’m excited.
“We see each other around GMA. Pero we never really had the chance to talk or magkamustahan. Siguro dito ko mas makikilala si David.
“Dito namin malalaman ang capability namin ni David as a love team. I’m also looking forward kung anong mai-offer ng team-up sa audience and ano ma-i-offer namin sa isa’t isa. Gusto namin maging organic lang lahat,” lahad pa ng TV host at aktres.
Sa serye, gaganap si Julie Anne bilang si Heart Fulgencio, isang online romance novelist na magiging cupid sa ilang customers sa kanyang coffee shop business.
Magkukrus naman ang landas nila nila Ace Nobleza (David) na isang goal-driven person na magiging co-investor n’ya sa cafe.
Kalat na sa social media ang mga behind-the-scenes photos ng “Heartful Cafe” at hindi talaga maikakaila ang kanilang chemistry. Kaya naman, todo abang na ang fans sa nalalapit na pagpapalabas nito sa GTV.