Kilalang female celeb tumigas na ang mukha dahil sa botox: Wala na siyang facial expression!

DAHIL nasobrahan na sa botox ang magandang aktres ay wala na siyang facial expression sa mga eksena nila ng katambal na aktor sa isang teleserye?

Hindi namin pinapansin noong una ang kuwento ng mga tagasubaybay ng serye na wala nang guhit sa noo ang aktres at hindi na rin masyadong maibuka ang bibig kapag nagsasalita.

Marahil ay dahil nga sa kabo-botox katulad din ng kilalang aktor na wala na ring reaksyon kahit galit na galit na ang karakter nito sa isang top rated show noon.

Going back sa magandang aktres ay napansin lang namin kailan lang na ang eksena ay galit na galit na ang katambal niyang aktor at hagip siya ng kamera pero walang reaksyon at in nakatunganga lang, o baka naman nakalimutang i-edit ito? Pero parang sadya namang kasama dahil tatlong beses siyang ipinakita.

At kapag eksena na ng magandang aktres na habang nagbabato ng linya ay idinadaan niya sa panlalaki ng mga mata at laki ng boses.  In fairness maganda pa rin naman siya.

Sa pagkakatanda namin ay may ipinagawa ito sa mukha niya lalo na sa bibig pero hindi namin alam kung kasama na ang pagpapa-botox para unat na unat ang kanyang face.

Sa kasalukuyan ay inirereto ang magandang aktres sa isang aktor na minsan na niyang nakasama sa serye pero tila hindi naman interesado sa kanya dahil hindi siya sinipot sa date niya na set-up ng mga kaibigan.

Ang katwiran noon ng aktor ay nasa out of town siya kaya hindi siya nakarating.

Ano ang ginawa ng magandang aktres, “Nagtawag ng tropa at nag-inuman sila hanggang sa bumulagta siya. Dalawang araw yata siyang tulog,” sabi pa ng taong malapit sa aktres.

Read more...