Angelica payag maging sugar mommy: OMG! Pero kung du’n ako sasaya, kung marami akong pera, why not!?

“DAPAT may respeto ka pa rin sa sarili mo dahil pag ‘yan ang nawala magpo-fall apart na ang buhay mo.”

Isa lang yan sa mga ibinigay na advice ni Angelica Panganiban sa lahat ng “sugar baby”.

Ang tinutukoy ng aktres na “sugar baby” ay ang mga taong mas pinili ang pera o ang karangyaan sa buhay kesa sa tunay na pagmamahal tulad ng karakter niya sa pelikula nila ni Coco na “Love Or Money.”

Nauna nang sinabi ni Angelica na mas mahalaga sa kanya ang pag-ibig kesa sa pera ngunit hindi raw niya hinuhusgahan ang mga pumapayag maging “sugar baby” sa isang relasyon.

Paliwanag ni Angge sa isang interview, “Kung ‘yan ang happiness mo, ‘yan ang happiness mo. Kung du’n sila masaya, at peace sila dun sa ginagawa nila pero siguraduhin mo lang na alam mo ‘yung pinapasok mo.”

Patuloy pa niyang paalala sa madlang pipol, “Ang number 1 rule lang naman d’yan dapat may respeto ka pa rin sa sarili mo. Pag ‘yun kasi ang nawala parang magpo-fall apart na ‘yung buhay mo, ‘yung sarili mo.

“Kapag hindi mo kayang respetuhin ang sarili mo, mahirap din talagang respetuhin ka ng ibang tao kasi ‘di mo alam ‘yung worth mo,” aniya pa.

Sinabi rin ni Angelica na karamiham sa mga ganitong klase ng relasyon ay hindi rin tumatagal kaya, “Dapat ini-invest mo ‘yung nakukuha mo kasi pinaghihirapan mo ‘yun. Para na rin siyang career, ‘yung pagiging sugar baby. Kailangan wise ka kasi baka walang forever du’n.”

Sa tanong naman sa dalaga kung nakikita ba niya ang sarili na magiging “sugar mommy” in the future, “’Pag tanda ko, magiging sugar mommy ako sa mga bagets? Oh my gosh! Pero well, kung du’n ako sasaya, why not?

“Kung marami akong pera, why not? E ‘di go. Pero sana naman talaga makatagpo ako ng love na ‘yung talagang mahal namin ‘yung isa’t isa, ‘yung ‘di lang pera ang gusto sa akin,” ang diretsong sagot ng aktres na happy naman ngayon sa piling ng kanyang non-showiz boyfriend.

Read more...