Open-heart surgery kay Doris Bigornia tagumpay; pamilya patuloy na humihiling ng dasal

SUCCESSFUL ang isinagawang open-heart surgery sa veteran Kapamilya TV reporter na si Doris Bigornia kamakailan.
Kasalukuyan na siyang nagpapahinga base na rin sa pahayag ng anak niyang si Nikki Bigornia-Islanan na kanyang ipinost sa Twitter.

Si Doris ang tinaguriang Mutya ng Masa at nitong nakaraang linggo ay ibinalita nga ng kasama niya sa programang “SRO” sa Teleradyo na si Alvin Elchico na inatake siya sa puso at itinakbo sa hospital at agad inilagay sa intensive care unit.

Ayon sa pahayag ni Alvin, noong Peb. 22, “Bago po tayo mag-umpisa dahil marami po kasi ang nagtatanong so, nagpaalam po ako sa pamilya ni Mutya ng Masa Doris Bigornia na sabihin po sa inyo, pinapasabi lang po, ang Mutya ng Masa, siya po’y inatake sa puso noong Linggo, (Pebrero 21) papuntang Lunes.

“Siya po’y sinugod sa ospital at ngayon po’y nasa ICU. Ka-kaailanganin po ng ano eh, open-heart surgery.

“So ang pamilya po ay humihingi po ng panalangin, so sa ngalan po ng pamilya ni Doris Bigornia, ang Mutya ng Masa, kami po ay humihingi ng inyong panalangin.”

At nitong Marso 1 ay nag-tweet na ang nag-iisang anak ni Doris na tagumpay ang isinagawang operasyon ng ina.

Aniya, “Maraming salamat po sa lahat ng nagdasal at patuloy na nagdarasal para kay mommy. Natapos na po ang surgery niya nu’ng isang araw at successful po ito. Subalit, patuloy po kaming humihingi ng inyong mga dasal para sa tuluy-tuloy na recovery ni mommy.

“Naiparating ko na rin po ang inyong mga mensahe at pagmamahal, at siya po ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong lahat.

“Ako rin po at ang aming pamilya ay nagpapasalamat sa inyong lahat. Dahil nabigyan niyo po kami ng lakas at pag-asa. Mahal na mahal namin kayo.”

Umabot sa mahigit 2,000 likes ang balitang ito ni Nikki, 127 retweets at halos lahat ng nag-comment ay nagsabi kay Doris ng, “Get well soon.”

“Hinay-hinay na next time. Bigyang halaga ang pangalawang buhay, Praise God! Happy for her and her family, Thank God!! God Bless mam doris and sa inyong lahat. Sana tuloy-tuloy po bumuti ang iyong pakiramdam. At Miss Doris, kapit lang. Hinding- hindi ka NiYA papabayaan,” ang mensahe ng isang netizen sa reporter ng “TV Patrol.

* * *

Tuluyan nang napaalis sa Bahay ni Kuya si Ella Cayabyab pagkatapos siyang maligtas sa ilang linggo sa nominasyon. Siya ang 11th evictee sa “PBB Connect.”

Nanaig sa botohan ang kapwa niyang nominadong housemate na si Amanda Zamora na nakakuha ng 38.75% mula sa pinagsamang Kumu at text votes, habang -9.37% naman ang pumasok na boto para sa “RaKweentera ng Quezon.”

Labis namang nagpasalamat si Ella sa “PBB Connect” sa naging karanasan niya sa loob ng bahay dahil marami siyang babaunin na aral sa outside world.

“Natutunan ko na mas magiging matatag po at lumaban lang po hanggang sa kaya po,” aniya.

Samantala, malapit nang makilala ang housemates na bubuo sa Big 4 ng “PBB Connect” dahil sa unang pagkakataon, lahat ng Big 4 slots ay paglalabanan ng housemates sa pamamagitan ng “Big 4 Karapat-Dapat Challenges,” kung saan sariling sikap at kakayanan ang magiging sukatan. Pero kailangan mag-ingat ang housemates dahil pwede pa ring masungkit ang slot.

Matapos ang pagbisita ng BGYO at BINI, mapapanood naman sa outside world ang apat na official houseguests ni Kuya na sina Christian Bahaya, Dale Patrick Chua, Glenda Dela Cruz Victorio, at Russco Jarvina, na papasok sa bahay ni Kuya sa takdang panahon.

Sino kaya kina Amanda, Andrea, Chico, Jie-Ann, Kobie, Liofer, at Ralph ang tatanghaling Big 4?

Subaybayan ang iba pang mga pangyayari sa “PBB Connect,”  10 p.m. tuwing Lunes hanggang Sabado sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at ABS-CBN Entertainment Channel.

Read more...