Willie lalo pang ginanahang tumulong: Hangga’t kaya ko, hindi yun mauubos…

MAY mensahe ng pasasalamat ang “Wowowin” host na si Willie Revillame sa lahat ng patuloy na tumatangkilik sa kanyang programa sa GMA 7.

Umabot na kasi sa mahigit 22 milyon ang supporters ng kanilang online community sa Twitter, YouTube, at Facebook.

“We have 14 million followers na po sa Facebook. Mga mahal naming kababayan, mga Kapuso, thank you so much!

“And also ‘yung atin pong community, eto po ‘yung pinagsama ‘yung Twitter, YouTube, at Facebook, 22 milion strong community. Marami pong salamat sa inyong lahat!” masayang pahayag ng TV host-comedian.

Dahil daw dito, lalo siyang ginaganahan na maghatid ng good vibes at kaaliwan sa mga tao, “Maraming salamat, ha! Nakakatuwa. Lalo kaming nai-inspire, lalo kaming ginaganahan kapag marami pong nagmamahal sa programang ito.

“Tandaan n’yo, ang ‘Wowowin’ ay para po sa inyo kaya’t tumutok na kayo. Tuloy-tuloy tayo!” aniya pa.

Sa isang interview, sinagot ni Willie kung saan nanggagaling ang malalim na hugot niya sa pagbibigay ng tulong at pagmamahal sa sambayanang Filipino.

“Hangga’t kaya kong tumulong, hindi yun mauubos. Saan nanggagaling? Siguro sa pinagdaanan ko. Saan ba ako nanggaling, di ba? Well, broken family, anak ako sa labas, di ba?

“Sa nanay ko, lima kaming magkakapatid, iba-iba ang tatay. Sa tatay ko, walo kami, iba-iba ang nanay. I think kung saan ako nanggaling, yun. Yung pinagdaanan ko sa buhay.

“Pinagdaanan ko lahat iyan, yung hirap. Tumira ako sa iskwater, tumira ako sa… nagsasaing ako, lahat yan naranasan ko.

“You know, kaya nararamdaman ko iyan sa Willie of Fortune. Minsan may nakikita akong bata, ‘Ganito ako dati, dito ako nanggaling.’

“So nararamdaman ko yun. Du’n nanggagaling lahat kung ano yung sine-share ko sa kanila,” lahad pa ng TV host.

Read more...