Sarah hindi lalayasan ang ABS-CBN, walang gagawing talent search sa TV5

HINDI lilipat sa TV5 o GMA 7 si Sarah Geronimo, ayon mismo sa Viva Artist Agency, ang talent management na humahawal sa career ng Popstar Royalty.

Mismong ang may-ari ng Viva Entertainment na si Vic del Rosario, Jr. ang nagsabing mananatiling exclusive artist ng ABS-CBN ang award-winning singer-actress.

Ayon kay Boss Vic, hindi magho-host ng anumang TV show si Sarah sa labas ng Kapamilya network tulad ng mga kumakalat na balita sa social media.

Isangvannouncement kasi ang lumabas ngayong araw na nagsasabing si Sarah ang magiging host ng bagong talent search sa TV5 na may titulony “PoPinoy”.

“Sarah appears only as an endorser in the show and she is not the host,” sabi ni Boss Vic sa panayam ng ABS-CBN.

“She just complied to her commitment as an endorser. She is still exclusive with ABS-CBN and the only time she appears on TV5 is when she comes out on ‘ASAP Natin ‘To,'” ang paglilinaw ng manager ng misis ni Matteo Guidicelli.

May balita rin kaming nasagap na babalik na anytime si Sarah sa Kapamilya Sunday noontime show na “ASAP” kahit na busy pa rin siya sa paghahanda para sa online concert niyang “Tala: The Film Concert” na mapapanood sa March 27.

Bukod dito, pinaghahandaan na rin ng Viva Records ang bagong album ng Popstar Royalty.

Matagal nang hindi napapanood si Sarah sa “ASAP” kaya naman marami ang nagsasabi na baka ito na ang senyales na aalis na rin siya sa Kapamilya Network. Miss na miss na rin siya ng mga kasamahan niya sa programa lalo na ng milyun-milyong mga Popsters.

Read more...