#KalmaLang: Kylie ipinagtanggol si Jake matapos ma-bash dahil sa ‘marriage proposal’ prank

IPINAGTANGGOL ni Miss International 2016 Kylie Verzosa ang boyfriend niyang si Jake Cuenca matapos itong ma-bash dahil sa kanyang “marriage proposal” prank.

Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang ipinost na video ni Jake sa kanyang social media account kung saan mapapanood ang kanyang paandar na “fake proposal.”

Makikita sa nasabing video clip si Kylie na nasa isang garden with a romantic dinner set up. Tila isa itong eksena sa pelikula kung saan naghihintay ang dalaga sa mga susunod na sasabihin ni Jake.

“So they prepared this because just wanted to ask you one thing so here it goes… Kumain ka na ba?” ang pinakawalang dialogue ni Jake sa kanyang prank video.

Magkakaiba ang naging reaction ng mga nakapanood sa ginawa niya sa beauty queen-actress. Natawa at naaliw ang ilan sa kanilang socmed followers pero marami rin ang na-offend at na-turn off sa ginawa ni Jake.

Karamihan sa nabasa naming comments ay nagsabing “bad joke” at nakaka-offend sa isang babae ang gawing katatawanan o prank ang isang proposal. Hindi raw gawain ng isang matinong lalaki ang ganu’ng klase ng paandar.

Sinagot naman ng aktor ang ilan sa mga hate messages na natanggap niya. Aniya, “Yes but we are not like most. We get each other and we get the timing of things.”

“When the time is right and the timing is [right] I will not hesitate to ask,” dagdag ng binata.

Samantala, to the rescue naman si Kylie sa pangnenega at pamba-bash ng netizens sa kanyang boyfriend. Aniya, alam naman daw niya ang gagawin ni Jake kaya walang dapat ikagalit ang madlang pipol.

“Hello guys! I knew that Jake was going to ask me this question before filming. No feelings or humans were hurt while filming this video. Hehehe. Peace and love,” depensa ng Pinay beauty queen.

Sabi pa ni Kylie, proud na proud siya kay Jake at tinawa pa niya itong best boyfriend kaya naman nakikiusap siya na huwag nang gawing big deal ang fake proposal ng aktor.

Nagsimula ang magandang pagtitinginan ng celebrity couple nang magkasama sila sa pelikulang “Ang Panday” na pinagbidahan ni Coco Martin.

Read more...