Derek tinawag na ‘bruha’ at ‘love’ si Ellen habang nasa loob ng CR

MAGKA-LIVE in na nga ba sina Derek Ramsay at Ellen Adarna? Yan ang tanong ng ilang netizens na nakapanood sa bago nilang video sa Instagram.

Matapos ang ginawa nilang pag-amin tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, usap-usapan naman ngayon ang kanilang “bathroom” video na mismong si Derek ang nag-post sa kanyang IG account.

Mapapanood sa nasabing video clip sina Derek at Ellen na mukhang bagong gising at nag-uusap tungkol sa bago nilang toothbrush. Pinaniniwalaang kinunan ang video sa loob ng banyo ng aktor.

Maririnig din si Derek sa isang bahagi ng video na tinawag niyang “bruha” at “love” si Ellen.

“Good morning, guys!” Simulang pagbati ni Derek sa kanyang IG followers. Ibinaling niya ang camera kay Ellen sabay sabing, “Good morning, bruha!”

Kasunod nito, ipinakita nga ni Derek ang bago nilang toothbrush na bigay daw ng aktres na si Yassi Pressman. Hindi raw ito basta-basta toothbrush dahil meron din itong built-in speaker at water-proof din kaya pwedeng gamitin kahit daw nagsa-shower.

Matapos isa-isahin ang features ng nasabing sipilyo, ipina-try na ito ni Derek sa kanyang girlfriend, “You wanna give it a try, love?”

Sumunod naman ang sexy actress kay Derek at nagsipilyo nga, at napasayaw pa habang tumutugtog ang music na nanggagaling sa built-in speaker ng toothbrush.

Maraming nagkomento sa video ng celebrity couple na mukhang nagsasama na nga ang dalawa kahit one month lang pa lang silang magkarelasyon.

Ayon sa isang netizen, wala siyang nakikitang issue kung magka-live in na nga sina Derek at Ellen, matatanda na raw ang mga ito at pareho na ring magulang kaya hindi na big deal kung magsama na sila sa isang bahay.

Nito lang nagdaang weekend, kinumpirma na nina Derek at Ellen na isang buwan na silang magdyowa. “May relasyon kami, oo,” pag-amin ng Kapuso hunk actor.

Aniya, talagang nakaramdam siya ng “spark” nang magkita sila sa New Year’s dinner party na ginanap sa bahay niya kasama ang iba pa nilang kaibigan.

“Tama, may spark talaga. Sobrang laking spark. We just really are enjoying each other’s company. Sobra.

“Sa isang month, meron na kaming tawanan. Meron na kaming tampuhan, lahat meron na,” chika pa ni Derek sa isang panayam.

Read more...