Maja natsitsismis na buntis…bakit nga ba laging may bitbit na baby bag?

KAYA pala natsitsismis na buntis si Maja Salvador ay dahil nakikitaan siya na may dalang baby bag kapag bumibiyahe.

Sa latest vlog ng aktres sa “Meet Maja” YouTube channel ay ikinuwento niya kung bakit lagi siyang meron nito.

Dati raw ay maraming bitbit na bag ang aktres kapag nagta-travel pero dahil tumatanda na rin siya ay hindi na niya kayang magbitbit ng marami dahil nananakit na rin ang katawan niya bukod pa sa kasasayaw.

“Sign of aging na rin. Kailangan ko nang mag-iba ng style na may maliit na lang akong bag tapos kung ano ‘yung puwede kong iwan sa car, iwan ko na lang.

“Meron akong dalawang bag pero wala akong mga panty at bra diyan, walang extra clothes, iba ‘yung usapan, na ‘yun, ‘what’s in my maletas ‘yun,” kuwento ni Maja.

Patuloy niya, “What’s in my bags ngayon. Nag-start akong mag-small bag siguro two to three years ago.  Because of pandemic lagi tayong may alcohol (naka-case) na nakasabit sa bag. May dala akong room spray kasi kapag saan ka maabutan (magbanyo) dapat meron ka no’n dahil pang malakasan hindi mo malalanghap. Saka gusto ko ring mag-spray nito sa kotse para laging freshness.

“Meron din akong skin disinfectant para kung may sugat ka spray mo lang mabilis matuyo ‘yung sugat, baby wipes, candy, hindi po dapat mawalan ng candy kasi hilig kong mag-coffee guys well, naka-mask naman ngayon para iwas coffee breath saka kung kakain o may imi-meet ka sa labas.

“Of course ‘wag nating kakalimutan ang cellphone not one but two, saka cards lalo’t hindi naman ako ma-cash (magbayad ng cash), kasi minsan nakakatamad bumaba ng sasakyan para lang mag-withdraw alam mo ‘yun?

“Meron ding floss kasi nga masyado tayong foodie ilang beses ng nangyari sa akin na nakikipagkuwentuhan tapos merong mga tinga-tinga. Mahilig kasi akong kumain ng paella negra tapos may mga squid-ink diyan (turo sa mga ngipin),” dire-diretsong pahayag ng aktres.

Dagdag pa niya, “Meron ding notes at gamot kasi meron akong gastroenteritis just in case, Saint Benedict pendant, sa mga nakakakilala sa akin na hindi naman ako mahilig sa jewelry pero kapag kailangan, narito lang naka-ziplock at resibo, siyempre BIR kailangan nating magtago ng resibo. So ito ang laman ng aking mini-bag.”

Sabay pakita ng unbutton niyang denim shorts dahil masikip na sa kanya, “Sandali lang (sabay sara), trending na naman baka akalain may ire-reveal na naman tayo.”

Kasunod nito ipinakita naman niya ang laman ng mas malaking bag, “Pag aalis talaga ako ng bahay dapat kasama ko at laging nasa kotse (sabay dukot ng eco bag), bilang may anak na lagi kang may bitbit na diaper, suklay, cologne, lysol (wipes) hand and body wipes para pag nag-poop, another suklay tangled brush, toy, leash pero gusto laging kinakarga, food on the go, puppy trainer at wiwi pads, naubusan na at saka kung saan siya pupupu ikaw ang pi-pik-ap ganu’n.”

Ang binabanggit na baby bag ay para sa fur baby niya na kasa-kasama niya parati.

Meron pa siyang maliit na pouch, “May chargers, earphones, o may camera naman ako kaso nakatago lang, just in case pang-OOTD (outfit of the day) nandiyan lang, mayroon tab (tablet) usually pag bumababa ako, yung mini bag at (tablet) lagi kong bitbit tapos, another earphone.

“Another pouch (make-up) alam n’yo na kung ano ‘to nandito lahat pampaganda, at heto pa siyempre spray tayo nang spray baka maubusan tayo kaya heto may dala akong alcohol (malaking refill), lotion na batang-bata palang ako at walang sinasabi ang nanay ko kundi magpahid ako nito from Japan.

“Inuuwian niya pa kami at isa pa (lotion) not just one but two depende kasi kapag super dry ang skin ko, doon tayo sa mas thick ang lotion, merong sunglasses, apple cider gummies, puwedeng six gummies a day, o ito another pouch o di ba ang dami, may tali (sa buhok), wipes na naman, whitening, another spray kasi kapag hindi ko nadala, meron uling another, mga oilbularyo (nakalagay sa iba), medicines.

“Actually ninenok ko ‘to sa girlfriend ng kapatid ko. Lagayan ito ng pads at naubusan ako nagtanong ako tapos ito binigay niya hindi ko na sinoli nilagyan ko na ng gamot, tapos vitamin C with zinc, hairpin kasi minsan gusto kong nakaganito (minuwestra ang ayos ng buhok), watch kapag nagwo-walk ako, mask (sleeping), perfume, meron akong osmo (camera) para pag ginanahan ako mag-content, meron ako, itong book (The Power of Praying Woman) na ito bigay ng sister ko, nandiyan lang hindi ko pa nari-read.

“Kapag may travel tayo doon ako nakakapagbasa maliban sa nag-iisip ako ng kung anu-anong gawin sa life minsan tapos nakikita ko ‘yung books ‘ay basahin ko nga’ ganu’n.  Mahilig ako sa books about life. Meron ding cards (playcards) para kung sakaling tatambay meron tayong games.

“Itong pouch regalo po sa akin from Vietnam. Hindi man po halata pero religious naman po ako (sabay pakita), alam n’yo na po ‘yan, magdasal po tayo lagi. May cologne kunwari magmo-mall lang naman, cologne lang, ang mahal-mahal ng perfume. Dati iba ako grabe, every taping, ganito ako magpabango (sabay muwestra) paikot, ubos kaagad ‘yung pabango pero nu’ng pandemic, more on cologne ako.

“At another pouch for (make-up at lotion na maliit) kasi pag nagpalit ako ng bag na mas maliit ito kasya,” sabay taktak ng bag na wala ng laman.

Dagdag pa ni Maja, “So, ayan po ang laman ng aking bags maraming abubots, maraming ganap at happy ako kapag dala ko kasi bitbit ko lahat halos ng kailangan ko, o di ba?  Meron pa kasi akong isa pang bag, ‘yung toiletries bag baka sabihin ang OA, basta marami. Kaya kapag nagta-travel ako niloloko ako kung isang buwan daw ba ako kasi marami.”

Helpful tips ang mga ipinakitang ito ni Maja sa kanyang vlog para sa lahat lalo na ang mga gamot, oilbularyo, spray cologne at wet wipes na para sa amin ay ito ang kailangan pag may emergency.

Pansin namin, walang dalang ballpen o pencil ang aktres na isa sa pinakaimportanteng bagay in case may kailangan kang pirmahan at hindi mo kailangang manghiram sa iba lalo’t pandemic.

Read more...