Gender reveal nina Patrick at Nikka sa ika-apat na anak: Baby boy or baby girl?

Gender Reveal for Baby Number 4 | Garcia Family

Baby boy o baby girl?

Nahati sa dalawang teams ang mga kamag-anak at friends nina Patrick Garcia at kanyang asawang si Nikka Martinez sa kanilang guess kung babae ba o lalaki ang sunod na magiging baby ng dalawa.

Bago ang announcement, sinabi ni Patrick na okay lang sa kanya kahit anupaman ang kasarian ng kanilang ika-apat na anak.

“Basta bigay ni Lord, I’ll be super happy,” wika niya.

Pero si Nikka, umaasa na baby boy na this time ang kanyang ipinagbubuntis. Tatlong babae ang nauna nilang supling.

“Ako naman, I’ll be honest. Siyempre, I am praying for a healthy baby na boy, ” wika ni Nikka.

“Pero kahit anong ibigay ni Lord, of course, we are going to be over the moon about it,” dagdag niya.

Hawak ang blue na envelop, hinugot ni Patrick ang resulta ng test sa kanilang gender-reveal video noong Biyernes na nakapost sa kanilang YouTube channel na Garcia Family.

“Fetal sex,” wika ni Patrick. “Male.”

At sumabog ang masayang sigawan.

“Sobra-sobrang good ng Panginoon, and this is so personal to me kasi parang grinant Niya talaga yung desire ng heart ko,” wika ni Nikka na bakas na bakas sa mukha ang kaligayahan.

“So, I just continue to pray that we continue to be good stewards, good parents who will raise these children up to learn to love God — to love God with all of their hearts, you know, ‘coz He really is super real,” dagdag niya.

Read more...