PAMILYA na ang priority ngayon ng magaling na aktor na si Baron Geisler.
Napakarami raw nagbago sa mga pananaw niya sa buhay mula nang magpakasal sila ni Jamie Evangelista at lalo na nang dumating ang anak nilang si Baby Tali.
Sa Cebu na naninirahan ngayon si Baron kasama ang pamilya at aminado siya na ang pagkakaroon ng maayos at tahimik na buhay sa probinsya ang isa sa mga source ng kaligayahan niya ngayon.
“Sinubukan ko ang simpleng buhay sa Cebu. Sobrang simpleng buhay. It kinda worked. Nakatulong siya na magpa-humble sa akin,” pahayag ni Baron sa panayam ng ABS-CBN.
Dugtong pa niyang kuwento, “I learned how to live a simple life. You don’t need a lot to be happy. As long as you have a roof above your head, food on the table, shoes. Even air-conditioning, bonus na lang ‘yan. And good friends are important.”
Nitong nagdaang taon, lalo na noong kasagsagan ng pandemic, napakarami niyang natutunan sa pagiging padre de pamilya, kabilang na ang pagba-budget.
“Magkano na ang gatas ngayon? I would monitor and say, ‘Dalawang lata na lang ito. Kailangan nating bumili.’ I think mas nakilala ko rin ang sarili ko last year. I read a lot of books. Itong nangyari sa atin in this pandemic, dito mo mate-test ang character ng isang tao,” sey pa ng isa sa mga bida ng pelikulang “Tililing” under Viva Films.
Mas tumibay din daw ang pananampalataya niya sa Diyos ngayon at naniniwala siya na naririnig ni Lord ang lahat ng kanyang dasal.
“Ang pangkabuhayan ko, whenever I pray, God answers. The universe provides. A miracle will happen. May pambili ako ng gatas at diaper para kay baby Tali,” masayang kuwento pa ng aktor.
Bukod dito, napakalaki na rin daw ng pagbabago sa kanyang personalidad, “Yung character ko ngayon, hindi na ako maangas. Maybe, kailangan ko ang angas na ‘yan kapag kailangan ng pamilya sa pagbanat ng buto. Dahil may pamilya na ako, ayoko na ng gulo, for the sake of my wife and daughter.
“As much as possible, kung may maghahamon sa akin, tatakbo na lang siguro ako. Ayoko na ng kaaway, especially kung kaibigan natin,” ang very positive pang pananaw sa buhay ngayon ni Baron Geisler.