Albert balik-GMA makalipas ang mahigit 1 dekada; chef JR Royol winner agad sa mga Kapuso

CONFIRMED! Magbabalik-GMA 7 na nga ang premyadong aktor na si Albert Martinez ngayong 2021 makalipas ang mahigit isang dekada.

Sigurado na ang gagawing teleserye ng seasoned actor sa Kapuso Network, base na rin sa official annoucement na naka-post sa Instagram page ng GMA.

Sabi sa post, “Something’s cooking with @albertmartinezph! Abangan ‘yan soon on GMA Afternoon Prime!”

Yes, isang panghapong serye na may titulong “Las Hermanas” ang proyektong pagbibidahan ng award-winning veteran actor kung saan makakasama niya ang ilan pa sa pambatong talents ng GMA Artist Center.

Nakipag-meeting na si Albert kasama ang creative at production teams ng nasabing programa recently and during the Zoom conference, nasabi raw ni Albert ang mga katagang, “I am excited about this project, and I want to tape it the soonest.”

Kung matatandaan, unang lumabas sa TV ang aktor noong 1980 sa GMA teleserye na “Anna Liza” na pinagbidahan ng yumaong aktres at singer na si Julie Vega.

Bukod diyan, napanood din siya sa mga Kapuso series na “Ikaw Lang ang Mamahalin” noong 2001, “Habang Kapiling Ka” taong 2002, at “Twin Hearts” noong 2003 na pinagbidahan nina Dingdong Dantes, Tanya Garcia, Dennis Trillo at Karylle.

                          * * *

Aprubado at panalo sa panlasa ng viewers ang pilot episode ng pinakabagong cooking show ng GTV na “Farm To Table” with Kapuso chef na si Chef JR Royol.

Maganda, unique, at fresh raw ang konsepto na hatid ng programa kung saan ang resident food explorer na si Chef JR ay bumibisita sa iba’t ibang farms sa bansa upang mangalap ng locally-produced ingredients at magluto ng mga putahe na naaayon sa paraan ng mga lokal.

Ikinatuwa at talagang sinubaybayan naman ng food lovers at aspiring chefs ang pilot episode ng “Farm To Table” last Sunday.

Sa isang Instagram post ay ipinarating ni Chef JR ang kanyang lubos na pasasalamat sa mga nanood at tumangkilik sa kanilang unang episode.

“Taos puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nag-abang na mapanood ang aming unang episode. Sa lahat din ng masigasig na nag-share at repost ng mga Farm To Table content – maraming salamat din po!” aniya.

Sumama na sa food adventures ni Chef JR Royol sa “Farm To Table” tuwing Linggo, 6:15 p.m. sa GTV.

Read more...