“BABY” na lang daw ang kulang sa buhay ngayon ng young actress na si Julia Barretto.
Sa edad 23, sinabi ng rumored girlfriend ni Gerald Anderson na talagang looking forward siya na magkaroon ng sariling anak na aalagaan at mamahalin niya forever.
Feeling ng dalaga, ang maging mabuti at responsableng mommy daw talalaga ang tunay na misyon niya sa buhay.
Sinabi ito ni Julia nang makachikahan ang kapatid niyang si Dani Barretto sa pamamagitan ng isang vlog sa YouTube. Natanong kasi siya kung ano na lang ang kulang sa punto ng buhay niya ngayon.
“A baby. It’s true. Yeah. That’s the only thing. I just want a kid. Really, it’s really as simple as that.
“I feel like I have a purpose in this world, and that purpose is to be a mother. So, I don’t feel so fulfilled because (I still don’t have it),” pahayag ng ex-girlfriend ni Joshua Garcia.
Sundot na tanong sa kanya kung ang pagiging nanay na lang ba ang “missing puzzle” sa buhay niya? “Yeah, it is. It really is.”
Saad pa ng dalaga, nakikita niya ang sarili na may sarili nang pamilya after five years, “I’m 24 next month (March 10), in a few weeks. I hope that in five years, I already have a child and my own family.
“That’s just really it. I feel like if you really want to have a lot of kids, you have to start early. I wanna have, like, four, five (na anak),” pahayag pa ni Julia.
Inamin naman ng aktres na maligaya siya sa buhay niya ngayon, pero nilinaw niyang hindi lang lovelife ang pinatutungkulan niya rito. Ang iniisip raw kasi agad ng mga “tsismosa” ay lalaki ang dahilan kapag masaya ang isang babae.
“Kailangan ba love life agad? Pag wala kang love life malungkot ka na agad? Yun na lang ba ang basis ng happiness love life?
“Hindi pwedeng kahit walang love life happy ka pa rin? Masaya ako kasi masaya family ko. Masaya ako kasi happy ako sa friends ko.
“Masaya ako, happy ako sa mga work na gagawin ko. Kaya happy ako,” esplika pa niya.
Sa isang bahagi ng video, nabanggit din ng dalaga ang ilang kontrobersiyang kinasangkutan niya, partikular na ang nangyari noong 2019 kung saan nadamay siya sa hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson.
Sa tanong kung may payo ba siyang ibibigay sa sarili noong 17-years-old pa lang siya, ipinagdiinan ng aktres na wala siyang pinagsisisihan sa mga desisyon at nangyari sa buhay niya in the past.
“I wouldn’t change anything. Even what I went through two years ago, I wouldn’t change a thing. Because it was such an eye-opener and it revealed a lot of things to me that later on I need in my life,” diin niya.
Basta ipagpapatuloy lang daw niya ang kanyang buhay kasama ang pamilya at mga totoong kaibigan, “I really wouldn’t change a thing. I don’t mind going through it all again.”