INAMIN ng magaling na aktor na si Baron Geisler na meron siyang mental illness.
Diretsahan niya itong binanggit nang tanungin namin siya sa ginanap na digital mediacon ng bago niyang pelikula under Viva Films, ang “Tililing”.
Kinumusta namin si Baron at tinanong kung anu-ano ang mga nabago sa kanyang buhay mula nang siya’y maging tatay. Sa Cebu na naninirahan ngayon ang aktor kasama ang asawang si Jamie Evangelista at ang anak nilang si Talitha Cumi o Baby Tali.
“To have your own child is such a great and wonderful experience. It’s such a blessing. She’s my pride and joy,” simulang tugon ng napakahusay na kontrabida sa telebisyon at pelikula.
Aniya pa, “Somehow, natulungan niya rin ako na mawala yung pagkaano ko, I don’t wanna use this term, but I have to, yung pagkatililing ko.
“I won’t hide it. I have a little bit of mental illness. I’m kinda crazy also, and I’m also recovering alcoholic. But I do my job, I do my work to get better,” pag-amin pa ni Baron.
Dagdag pa niyang pahayag, “For me, there’s room to become a better you and to improve yourself and there’s always room for improvement as long as you want it and I really want this.
“I want a family life, the whole package, wife, home, kids. I’m embracing it here right now in Cebu,” lahad pa ng “Tililing” lead actor.
Kumusta naman ang buhay niya sa Cebu? “I love everything about Cebu. The culture is great here. It’s somewhat a little different from Manila. Forty to 45 minutes away, nasa dagat ka na, nasa bundok ka na.
“The people here are very straightforward. Ibig sabihin, hindi mga plastic ang mga taga-Cebu kaya gustung-gusto ko sila.
“Dito ako nag-transform to a better human being, and I met my wife here also and I also met God here you know. I discovered how great God is so that’s why my heart is here in Cebu,” paliwanag pa ni Baron.
Samantala, speaking of “Tililing”, naniniwala ang cast members ng pelikula na lahat tayo ay may tililing.
Kailan ka nga ba huling naging normal? Ang direktor ng mga hit na pelikula na “Jowable” at “Paglaki Ko Gusto Ko Maging Pornstar”, na si Darryl Yap ay nagbabalik at isang nakakaintrigang pelikula na naman ang kanyang hatid.
Sino ba ang normal? Sino ba ang totoong baliw? Yan ang mga tanong na hahanapan ng kasagutan sa “Tililing”. Ito ay tungkol sa tatlong intern na sina Maricel (Candy Pangilinan), Espie (Donnalyn Bartolome) at Jessa (Yumi Lacsamana), na naka-assign sa isang asylum.
Doon nila makikilala ang tatlong pasyente na sina: Socorro (Gina Pareño) isang comfort woman, si Peter (Baron Geisler) isang ulila, at si Bernie (Chad Kinis) isang arsonist. Lahat sila ay may kani-kaniyang masasaklap na kwento.
At sa kanilang mga kwento, makakapasok ang tatlong intern sa mundo ng mga pasyente at malalaman ang kanilang mga totoong sinapit sa buhay. At sa huli, mapapa-isip sila kung sino nga ba ang tunay na baliw: ang mga pasyente ng asylum o sila?
Isang never before seen genre-bending film ang hatid ni Direk Darryl ang “Tililing”. At nagawa niya ito sa kombinasyon ng mga bago at beteranong aktor. Hindi ka magkakamali sa mga talentado at batikan ng aktor kagaya nila Gina, Baron at Candy; at nakakatuwa naman makakita ng mga young and promising talents gaya nila Donnalyn, Yumi at Chad Kinis na game na game sa mga challenging roles.
Dahil sa nakaiintrigang title ng pelikula at cast, movie teaser pa lang ng “Tililing” ay madaling umabot sa mahigit 1 million views sa Facebook. At nang i-release ang official movie trailer, agad itong nakakuha ng 1 million views nang wala pang 24 oras. Sa ngayon, lagpas 2.4 million views na at meron ng 42,000 shares ang trailer sa Facebook. At dahil talagang inaabangan na ng marami ang pelikula, isa na rin ito sa mga trending topics sa mga social media sites.
Sabay na lalabas sa sinehan at Vivamax ang “Tililing” ngayong March 5. Mag-subscribe na sa www.vivamax.net o kaya ay i-download ang VIVAMAX app sa Google Play.