Kris tinamaan din ng ‘Paubaya’ ni Moira, may bagong hugot sa lovelife

SAPUL na sapul at tinamaan nang bonggang-bongga si Kris Aquino sa viral song ni Moira dela Torre na “Paubaya”.

Ito ang diretsahang inamin ng TV host-actress nang mapakinggan ang latest hit ni Moira at mapanood ang music video nito na pinagbibidahan ng ex couple na sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Mula nang ilabas ang music video ng kanta noong Valentine’s Day, nakakuha na ito ng mahigit 18 million views sa YouTube.

Sa kanyang Instagram post kahapon, ibinahagi ni Kris kung paano siya naapektuhan ng kanta kasabay ng pagpuri niya kay Moira at sa asawa nitong songwriter na si Jason Hernandez.

Sa unang bahagi ng kanyang IG post, naikuwento ni Kris ang pananaw ng isa niyang kaibigan tungkol sa pakikipagrelasyon.

“Early last night my good friend Michael Leyva passed by… He’s still young so I understand why this was his point of view about relationships.

“He said, ‘Ate, natutunan ko na pag magmahal ka ‘wag mong ibigay ang lahat, maging selfish ka nang konti para kung hindi mag-work, kung matapos na, hindi ka ubos, mas madaling mag move on,'” pagkukuwento ni Tetay.

Patuloy pa niya, “I kept quiet because for every person, we’ll look at love differently based on our experiences. 14 years ago, I would have agreed with Michael 100%. BUT as you grow older, you realize how you love evolves… Hindi na nagbibilang,” dagdag ng aktres.

“I’m not a halfway type of person. I want to see it through until there will be no more what ifs. The difference now is that in the past I only wanted my what ifs answered.

“I learned it goes both ways, as much as I needed my questions answered, so did he. The old me worked to be sure I’d be okay at the end. This time around I’ll continue caring about how kindly life will treat him,” pahayag pa niya.

Kasunod nito, nabanggit na niya ang tungkol sa kanta ni Moira, “Like all of you, natamaan din ako nung ‘PAUBAYA’ music video/short film for @moirarachelle’s song. She and her husband, Jason (Marvin) are brilliant because dinagdag nila yung lines:

“PINAPATAWAD…

“PINAPALAYA…

“PINAPAUBAYA ko na, sa Kanya…” post pa ni Kris.

Aniya pa, “My interpretation of ‘sa KANYA’ is that whatever happens for both in the future, let both surrender to God’s will.”

Samantala, sa IG post ni Kris ibinahagi rin niya ang litrato ng isang bouquet na isa sa mga bulaklak na natanggap niya nu’ng mag-celebrate siya ng kanyang 50th birthday last Feb. 14.

“I chose these roses among all I received because maybe in the next few months not only my body will somehow heal… Maybe I’ll be ready,” ayon pa sa mommy nina Joshua at Bimby na hindi pinangalanan ang nagbigay sa kanya ng bulaklak.

“‘Pinapaubaya ko na… sa KANYA,'” ang mariin pang sabi ni Kris sa caption.

Read more...