Rica, Piolo napag-usapan noon ang tungkol sa pagpapakasal: We liked each other a lot

“GUSTUNG-GUSTO namin ang isa’t isa!” Yan ang ginawang pag-amin ng hindi na aktibong aktres na si Rica Peralejo tungkol sa “nakaraan” nila ni Piolo Pascual.

Makalipas ang 15 taon, nagsalita na rin sa wakas si Rica sa naging ugnayan nila ni Papa P. Aniya, nagsimula silang maging close noong 2006 nang magkatrabaho sila sa seryeng “Sa Piling Mo” kung saan kasama rin nila si Judy Ann Santos.

Idinetalye ng dating sexy actress ang ilang naging kaganapan sa kanila ni Piolo sa kanyang YouTube vlog, “Eto na yung tanong na pinakaabangan ng lahat. Eto yata yung question na pinakamadami ko. I’ve received mga 100 questions. Siguro 50 du’n, eto.

“Naging kayo ba talaga ni Papa P or Piolo Pascual? At dumating ba sa point na nag-propose siya sa iyo? So, isa-isa lang!” simula niyang pahayag.

Sabi ni Rica, totoong na-fall sila ng aktor sa isa’t isa, “E, paano ko ba iyon sasagutin? Eto na naman ako  hindi ito pa-safe, ha? Yes and no. Yes, in a sense na ang deep naming dalawa with each other.

“But we never put a label in ourselves. Never namin iyon ibinigay sa isa’t isa.

“Hindi rin kami umamin sa public about dating or liking each other. I’m not sure kung umamin siya. Meron ba? Pero ako, I don’t recall, because I’ve been asked by several reporters about it, pero never kong sinabi na, ‘Oo, kami’ at the time.

“What I remember is that hindi ko rin talaga alam kung ano nga ba kami. But it was very clear to us that we liked each other a lot,” chika ni Rica.

Patuloy pa niya, “We would talk about the future, being husband and wife and all that. But you know, I did that also with Bernard.” Na ang tinutukoy ay ang ex-boyfriend niyang si Bernard Palanca, na apat na taon din niyang nakarelasyon.

At tungkol naman sa kanila ni Piolo, “Alam mo yun? Ganu’n naman kapag may somebody ka that you wanna be serious with, e.

“Sometimes you can’t help but move forward with our thoughts when that day comes. I won’t say that I was the only one na ganu’n sa buhay niya,” paliwanag pa ni Rica.

Sa tanong naman kung dumating ba sa point na nag-propose si Piolo sa kanya, “Hindi. Hindi talaga. So, waley.”

Masaya na ngayon si Rica sa piling ng asawa niyang pastor na si Joseph Bonifacio na nakilala niya sa Victory Christian Fellowship. Ikinasal sila noong January, 2010 at biniyayaan ng dalawang anak —  sina Philip, 6, at  Manu, 2.

Read more...