HANGGANG ngayon ay biktima pa rin ang Kapuso actress na si Rhian Ramos ng panglalait sa social media partikular na ng mga body-shamers.
Maraming nang-ookray sa sobrang kapayatan daw ni Rhian at nagsasabing parang hindi na siya kumakain dahil sa pagiging conscious sa kanyang katawan.
May mga netizens ding tumatawag sa kanya ng anorexic at kung anu-ano pang offensive na salita patungkol sa kanyang slimmer figure na kitang-kita nga sa mga sexy photos niya sa Instagram.
Pero kung si Rhian ang tatanungin, ayaw na niyang patulan ang mga body-shamers na ito dahil kahit ano man daw ang sabihin at gawin niya, mananatiling nandiyan ang mga ganitong uri ng tao.
“I just take it with a grain of salt, it doesn’t really hurt my feelings. I own many mirrors and part of my job is to know what I look like,” ang sabi ni Rhian sa panayam ng GMA matapos ang pagpirma niya ng bagong management contract nitong weekend.
“I don’t think I ever hear something that I don’t expect first because I know myself,” aniya pa.
Ipinaliwanag pa ng loyal Kapuso star na aware siya kung bakit at paano nadadagdagan o nababawasan ang kanyang timbang at ginagawa niya ngayon ang lahat para maging healthy at fit.
“If there’s anything, someone else who doesn’t like with my body, eh ’di wag nila gawin sa sarili nila. Yung sarili kong gusto, taste, at health goals ang susundin ko,” chika pa ng dalaga.
Ilang linggo na ang nakararaan, isang netizen ang sinagot ni Rhian na pumuna sa kanyang payat na katawan at nagsabing baka raw meron siyang eating disorder.
Mariin itong dinenay ng dalaga, aniya nabawasan talaga ang timbang niya noon dahil sa matinding stress.
Samantala, feeling blessed and lucky naman ang aktres matapos mag-renew ng kontrata sa GMA.
Present during the contract signing sina GMA Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth Rasonable, GMA Vice President for Drama Productions Redgie Acuña-Magno, GMA Vice President for Business Development Department III Darling de Jesus-Bodegon, GMA Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, GMA Assistant Vice President for Drama Productions Cheryl Ching-Sy, Senior Program Manager Charles Koo, at ang manager ni Rhian na si Michael Uycoco.
“I feel so lucky that I get to live my dream and continue to live my dream with the station that supports me and it feels so right because GMA is my home, they’re my family. I feel comfortable here. I feel well-guided and taken care of.
“I’ve been here for 15 years already and loyalty is a value that I really appreciate in others and I also try to emulate it myself.
“I feel that GMA has also been so loyal to me through the years with all the opportunities and guidance they’ve given me,” pahayag ng “Love of My Life” star.
“I am looking forward to doing more hosting. The reason why I really want to host more moving forward is because, I’ve done many hosting shows in GMA before, but as I’m getting older and as I grow, I feel much more comfortable and confident with myself that it’s really fun to just experience something with the audience kasi that’s what hosts do,” aniya pa.